URI NG PAGSULAT Flashcards
Itinuturing itong isang intelektwal na
pagsulat dahil layunin nitong pataasin
ang antas at kalidad ng kaalaman ng
mga estudyante sa paaralan.
(kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tesis o disertasyon)
AKADEMIKO
- Ito ay espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo.
Teknikal
- Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay solusyon sa isang komplikadong suliranin.
Teknikal
Karaniwan nang katangian nito
ang paggamit ng mga teknikal na
terminolohiya sa isang partikular
na paksa tulad ng science o
technology.
(feasibility study, korespondensyang pampangangalakal)
Teknikal
Pampamamahayag ang uring ito
ng pagsulat na kadalasang
ginagawa ng mga mamamahayag
o journalist.
(pagsulat ng balita, editoryal, kolum,
lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa pahayagan o magasin)
Journalistic
naglalayong magrekomenda
ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa.
(paraang parentetikal, talababa o endnotes, paggawa ng bibliograpi, indeks at note cards)
Reperensyal
Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan nito. Makikita rin ito sa mga pamanahong papel, tesis at disertasyon (Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura).
Reperensyal
Ito ang uri ng pagsulat na
nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.
(Police report - pulis, investigative report - imbestigador, legal forms, briefs at pleadings - abugado, medical reports at patient’s journal - doktor at nars)
Propesyonal
Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat, bagama’t maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat
Malikhain
Layunin nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mambabasa. Ito
ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura.
(tula, nobela, maikling katha, dula, malikhaing sanaysay)
Malikhain
Karaniwan nang mayaman ang uri ng pagsulat na ito sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang creative devices.
Malikhain