Proseso ng Pagsulat Flashcards
Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.
Prewriting
Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan.
Drafting
Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento.
Revising
Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.
Editing