Mga Layunin ng Akademikong Pagsulat Flashcards
1
Q
- layunin ng manunulat na mahikayat ang Kanyang mambabasa no maniwala sa Kanyang posisyon hinggil sa isang paksa.
• Naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang
Katwira n, Opinyon, o paniniwala. - Pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensiyahan ng isang awtor.
A
Mapanghikayat (PERSUASIVE WRITING)
2
Q
- Ang layunin nito ay maipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan.
- Sa mga ganitong pagsulat, madalas iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamen ang mga bunga o epekto, sinusuri ang kabisaan, inaalay ang mga paraan ng paglutas ng suliranin, pinag-uugnay-ugnay ang iba’t ibang ideya at inaanalisa ang argumento ng iba.
A
Mapanuring layunin ( ANATIKAL NA PAGSULAT)
3
Q
- Ipinaliliwanag ang posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hingil sa paksa.
- Naglalahad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.
- Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.
A
Impormatibong layunin (EXPOSITORY WRITING)
4
Q
- Ito ay ginawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula atbp. malikhain o masining na akda.
- Pangunahing layunin ng awtor dito ay magpahayag lamang ng kathang isip, imahenasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.
A
Malikhaing layunin
5
Q
Bakit sa limang makrong kasanayan ay nasa pinakadulo ang pagsulat?
A
Dahil ito ang huling natututunan ng isang tao at pinakamahirap linangin