KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT Flashcards
may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabulayo.
KOMPLEKS
Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita a ekspresyon.
PORMAL
Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang
TUMPAK
Ang pokus nito ay mga impormasyong nais
ibigay at ang mga argumentong nais gawin
OBHETIBO
Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’ t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’
Isa.
EKSPLISIT
tamang pagganit ng mga bokabularyo o mga salita.Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
WASTO
Kailangan din niyang maging maingat sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang maparatangan na isang plagy arista.
RESPONSABLE
matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa.Ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin.
MALINAW NA LAYUNIN
Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng mga katotohanan. Pinapakita rin dito ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng papel. Ito a! tinatawag na sariling punto de bista.
MALINAW NA PANANAW
Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.
MAY POKUS
May sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran.
Karamihan ng akademikong papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon.
Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata
LOHIKAL NA ORGANISASYON
Ang katawan ng talataan av kailangang may sapat at kaugnay na suporta para si pamaksang pangungusap at tesis na pahayag.
MATIBAY NA SUPORTA
Malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
MALINAW AT KUMPLETONG EKSPLANASYON
Kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon. Dahil dito napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pagsulat.
EPEKTIBONG PANANALIKSIK
sinisikap dito ang kalinawan at kaiklian. Napakahalaga namaiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas at bokabularyo, sa pagsulat nito
ISKOLARING ESTILO NG PAGSULAT