Tanka at Haiku Flashcards
Ito ay tulang mayroong 31 pantig. Ito ay may limang linya na may tiyak na bilang ng pantig.
Tanka
Ito ay mayroong tatlong taludtod na sinasabing umusbong mula rin sa tanka.
Haiku
TAMA O MALI
Ang Haiku ay karaniwang naglalatag ng imahen ng kalikasan at mga pagbabagong may kaugnayan sa panahon (season).
TAMA
TAMA O MALI
Nagsimula ang HAIKU bilang tuloy-tuloy na salaysay na may tiyak pa ring bilang ng pantig at hindi nahahati ng taludtod.
MALI
Tanka
Ang tanka ay halaw sa porma ng ______, isang uri ng awiting Hapon.
Waka
Sa mga pag-aaral, kailan nagsimulang umusbong ang tanka at haiku? Sa panahon ding ito may malakas na impluwensiya ang Budismo dahil sa paniniwalang ang mga aral nito ay magbibigay ng kapayapaan.
Ikapitong siglo
Saan unang ginamit ang tanka at haiku? Ito rin ang tinaguriang hukuman ng mga imperyo sa mga sinaunang panahon ng Hapon.
Japanese Imperial Court
TAMA O MALI
Kalaunan, ginamit ang tanka at haiku bilang patimpalak, at sa mga aktibidad gaya ng panliligaw at kasal, at bilang anyo ng libangan sa ilan.
TAMA
Sino ang apat na kinikilalang makata ng bansang Hapon at pawang mga makata ng haiku at tanka?
(1) Matsuo Basho
(2) Ki no Tsurayuki
(3) Priest Saigyo
(4) Taniguchi Buson
Siya ang pinakatanyag na makatang Hapones na nakilala sa kaniyang haiku na naging popular sa panitikan sa buong mundo.
Matsuo Basho
Ano ang ibang tawag kay Matsuo Basho?
Matsuo Munefusa
Siya ay kilalang makata ng yugtong Heian (844), na naging pinuno ng Imperial Court. At siya rin ang unang nagtipon ng mga antolohiya ng tula na tinawag na Kokinshu (905).
Ki no Tsurayuki
Ito ang isa sa mga itinuturing na unang antolohiya ng mga katutubong porma ng tula ng Hapon na tinawag na waka.
Kokinshu (905)
Siya ang pinakatanyag na makata ng tanka na unang naging bahagi ng sandatahang lakas ng imperyong Heian, ngunit paglaon ay naging pari.
Saigyo
Ano ang ibang tawag kay Saigyo?
Sato Norikiyo
Siya ay isa sa mga pinakatanyag na pintor at manlilikha ng yugtong Edo (1602-1869).
Taniguchi Buson
Ano ang ibang tawag kay Taniguchi Buson?
Yosa Buson
Layunin niya na paksain ang kagandahan ng kalikasan sa pamamagitan ng maiksi at siksik sa mga kahulugang linya ng haiku.
Matsuo Basho (Matsuo Munefusa)
Karaniwang paksa ng kaniyang akda ay ang kalikasan at mga doktrina ng Budismo.
Saigyo (Sato Norikiyo)
Isa sa mga pinakatampok na libro niya ang Oku no Hosomichi (The Narrow Road to the Interior) na naglalaman ng mga haibun.
Taniguchi Buson (Yosa Buson)
Ito ay tulang may pinagsamang haiku at prosa.
Haibun
Ito ay ang pagbasa sa imahen o kongkretong bagay na inilalatag ng isang akda.
Pagsusuring Imahismo
TAMA O MALI
Ang pagsusuring Imahismo ay unang umusbong bilang kilusan sa sining ng pagsusulat noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa Europa at Estados Unidos.
TAMA
Siya ay bantog na makata, bilang tagapagsimula ng kilusang ito sa panitikan at larangan ng sining sa kabuuan.
Ezra Pound