Dula Flashcards
Ito ay ang tawag sa mga indibidwal na sapilitang dinukot ng mga pinaghihinalaang elemento ng estado dahil sa kanilang politikal na paniniwala.
Desaparecido
Sino ang dalawang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na napaulat na dinukot noong 2006 at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatagpuan?
(1) Sherlyn Cadapan
(2) Karen Empeno
Ito ay ang tawag sa serye ng mga pangyayaring isinulat at itinatanghal sa harap ng madla.
Dula
TAMA O MALI
Ang dula ay natatangi sa lahat ng genre ng panitikan dahil ang pinakamahalagang elemento nito ay ang pagsasalaysay ng naratibo sa pamamagitan ng entablado.
TAMA
Ayon sa batikang mandudula na ito, mayroong tatlong pinakamahalagang elemento ng dula.
Rene Villanueva
Ano ang tatlong pinakamahalagang elemento ng dula ayon kay Rene Villanueva?
(1) Iskrip
(2) Teatro
(3) Manonood
Ito ay manuskritong naglalaman ng diyalogo ng mga magsisipagganap.
Iskrip
Ito ay ang tanghalang pinaggaganapan ng akda.
Teatro
Ito ay ang direktang nakasasaksi ng akda.
Manonood
Ayon sa kaniya, may anim na elemento ang isang dula na marapat na napagsasanib upang matagumpay ang pagtatanghal.
Aristotle
Ano ang anim na elemento ng dula ayon kay Aristotle?
(1) Banghay
(2) Tauhan
(3) Tema
(4) Diyalogo
(5) Tugtog
(6) Produksiyon
Ito ay tumutukoy sa serye ng mga pangyayari sa akda.
Banghay (Plot)
Ito ay tumutukoy sa mga karakter ng akda na nagpapatakbo ng kuwento.
Tauhan (Characters)
Ito ay tumutukoy sa kabuuang pinapaksa ng pagtatanghal.
Tema (Theme)
Ito ay naglalaman ng kabuuang takbo ng pagtatanghal na nagsisiwalat ng karakterisasyon ng mga tauhan at ng takbo ng mga pangyayari.
Diyalogo (DIction / Dialogue)