Pagbabagong Morpoponemiko Flashcards
Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng salita.
Morpolohiya
Ano ang ibig-sabihin ng salitang “Morpo” at “Lohiya”?
Morpo = salita
Lohiya = pag-aaral
MORPOLOHIYA = pag-aaral sa pagbuo ng salita
Ito ay tumutukoy sa anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito.
Pagbabagong Morpoponemiko
Ano ang limang uri ng Pagbabagong Morpoponemiko?
(1) Asimilasyon
(2) Pagpapalit ng Ponema
(3) Pagkakaltas ng Ponema / Maykaltas
(4) Metatesis / Maylipat (Lumang Balarila)
(5) Pag-aangkop
Ito ay uri ng pagbabagong morpoponemiko na isang pagbabagong nagagnap sa /ng/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito.
Asimilasyon
Ito ay ang pagbabagong nagaganap lamang sa pinal na panlaping -ng.
Asimilasyong Parsyal
Ano ang mga letra kung saan ginagamit ang panlaping “sin-“ o “pan-“?
d, l, r, s, at t
Ano ang mga letra kung saan ginagamit ang panlaping “sim-“ at “pam-“.
b at p
TAMA O MALI
Ang ponemang /ng/ ay HINDI nagbabago kung ang salitang ugat ay hindi nagsisimula sa mga titik p, b / d, l, r, s t.
TAMA
TAMA O MALI
Ginagamitan ng gitling kapag ang salita ay nagsisimula sa KATINIG.
MALI
Patinig
Ito ay nagaganap kapag natapos na maging n at m ng panlapi.
Asimilasyong Ganap
Ano ang dalawang alituntunin sa Asimilasyong Ganap?
(1) Gawing Parsyal
(2) Kaltasin ang unang titik ng salitang-ugat
Ito ay uri ng pagbabagong morpoponemiko na nagkakaroon ng palilipat ng diin ng mga salita kasabay ang pagbabago o pagpapalit ng ponema.
Pagpapalit ng Ponema
Ito ay uri ng pagbabagong morpoponemiko na nagkakaroon ng pagbabawas ng ponema sa isang salita.
Pagkakaltas ng Ponema / Maykaltas
Ito ay uri ng pagbabagong morpoponemiko na nagkakaroon ng paglilipat ng posisyon ng ponema sa loob ng salita.
Metatesis / Maylipat (Lumang Balarila)