Modelo ng Komunikasyon (Aristotle, Lasswell, Shannon at Weaver) Flashcards
Ito ay ang proseso ng pakikipagtalastasan na nabubuo mula sa pagpapadala ng sender at pagtanggap ng receiver.
Komunikasyon
Ito ay ang nagpapadala ng mensahe.
Sender
Ito ay tumatanggap ng mensahe.
Receiver
Ano ang tatlong uri ng komunikasyon?
(1) Linear
(2) Interaktibo
(3) Transaksiyonal
Ito ay ang komunikasyon kung ang pakikipagtalastasan ay mayroon lamang isang direktang pinagmumulan ng mensahe at tagatanggap nito.
Linear
Ito ay ang komunikasyon kung dalawa ang pinanggalingan at tagatanggap ng mensahe.
Interaktibo
Ito ay ang komunikasyon kung agad ang nangyayaring pagtugon (feedback)
Transaksiyonal
Ano ang tatlong modelo ng linear na komunikasyon?
(1) Modelo ni Aristotle
(2) Modelo ni Harold Lasswell
(3) Modelo nina Claude Shannon at Warren Weaver
Ito ang itinuturing na unang modelo ng komunikasyon, kung saan ang susi sa pakikipagtalastasan ay ang tagapagsalita o ang tagapaghatid ng mensahe.
Modelo ni Aristotle
Para sa kaniya, ang susi sa tagumpay ng komunikasyon ay ang pagtukoy sa limang salik.
Aristotle
Ano ang limang salik na tinutukoy ni Aristotle bilang susi sa tagumpay ng komunikasyon?
(1) Tagapagsalita
(2) Mensahe
(3) Okasyon
(4) Tagatanggap
(5) Epekto
Ito ay modelo kung saan nakatuon ito sa pag-unawa sa komunikasyon gamit ang limang tanong.
Modelo ni Harold Lasswell
Ano ang modelo ni Harold Lasswell?
(1) Tagapagsalita
(2) Mensahe
(3) Midyum
(4) Tagatanggap
(5) Epekto
Sa modelong ito, ang itinuturing na susi sa komunikasyon ay ang encoding at decoding.
Modelo nina Claude Shannon at Warren Weaver
Ano ang limang salik sa komunikasyon ang tinututukan ng modelo nina Shannon at Weaver?
(1) Tagapaghatid
(2) Encoder
(3) Channel
(4) Decoder
(5) Tagatanggap