Talumpati Flashcards
Ang _____ ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa
pagtatalumpati
Mga Uri ng Talumpati
Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita
Biglaang Talumpati
Mga Uri ng Talumpati
Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.
Maluwag na talumpati
Mga Uri ng Talumpati
Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
Manuskrito
Mga Uri ng Talumpati
Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Isinaulong Talumpati
Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon.
Kronolohikal na Huwaran
Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa.
Topikal na Huwaran
Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang huwarang ito.
Huwarang Problema-Solusyon
Ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati.
Introduksyon
Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.
Diskusyon o Katawan -
Mga Katangiang Taglayin ng Katawan sa Talumpati
Tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at maliwanag nang mabisa ang lahat ng detalye.
Kawastuhan
Mga Katangiang Taglayin ng Katawan sa Talumpati
Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig.
Kalinawan
Mga Katangiang Taglayin ng Katawan sa Talumpati
Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.
Kaakit-akit
Dito nakasaad ang pinakakongklusyon mg talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
Katapusan o Kongklusyon
Kakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.
Haba ng Talumpati