Katitikan Flashcards
Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na _____.Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.
katitikan ng pulong
Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan, organisasyon,o kagawaran. Makikita ang petsa ,lokasyon , at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
Heading
Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
Mga Kalahok o dumalo
Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
Action items o Usaping napagkasunduan
Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito .
Pabalita o patalastas-
Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
Iskedyul ng susunod na pulong –
Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong
Pagtatapos-
Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
Lagda
Ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
Ulat ng katitikan
Isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento.
Salaysay ng katitikan
Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon dito
Resolusyon ng katitikan