Gamit o Pangagailangan sa pagsulat Flashcards

1
Q

Ito ay magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa .

A

Wika

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos , organisado ,obhetibo at at masining na pamamaraan mula panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.

A

Paksa

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Mahalagang magkaroon nito ang isusulat. Ito ay magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat makapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.

A

Layunin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Sa pagsulat ,dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong nahalaga ,o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.

A

Pamamaraan ng Pagsulat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ito ay magsisilbing behikulo ito upang maisatitik ang mga kaalaman,kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

A

Kasanayang Pampag-iisip

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Uri ng Pagsulat

A

Malikhain,Teknikal,Propesyonal,Dyornalistik,Reperensyal,Akademiko

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa

A

Subhetibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

____ naman ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.

A

Obhetibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat.

A

Wika

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.

A

Paraang Impormatibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.

A

Paraang Ekspresibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

A

Pamaraang Naratibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.

A

Pamaraang Deskriptibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.

A

Pamaraang Argumentatibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.

A

Kasanayang Pampag-iisip

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

A

Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat

17
Q

Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.

A

Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin-

18
Q

Uri ng Pagsulat

Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan .

A

Teknikal na Pagsulat

19
Q

Uri ng Pagsulat

Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.Karaniwang makikita ito sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL).

A

Reperensyal na Pagsulat

20
Q

Uri ng Pagsulat

May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa .

A

Dyornalistik na Pagsulat

21
Q

Uri ng Pagsulat

Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.

A

Akademikong Pagsulat

22
Q

Uri ng Pagsulat

Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

A

Malikhaing Pagsulat

23
Q

Uri ng Pagsulat

Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

A

Propesyonal na Pagsulat

24
Q
A