Pagsusulat Flashcards
Ang _____ ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral
Pagsusulat
Ayon kay _______, may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika
Cecilia Austera et al. (2009)
Ayon naman kay ______, ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan
Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012)
(TRUE OR FALSE) Ayon kay Royo , na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa , Pagsulat at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao.
True
Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindi kapangkat/kasama ng transakyonal?
A.kwento B.pananaliksik
C.sulating panteknikal D.balita
A.kwento
Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi
personal o ekspresibo at panlipunan o sosyal