Talumpati Flashcards
Isang masigla at makulay na pasalitang pakikipagkomunikasyon
pagtatalumpati
ang ____________ ay nagbukas ng bibig at naging matatas sa pagsasalita, ang paghanga ng mga tagapakinig ay nagkakaroon ng kaganapan na gawin ang pakikinig ng may kahusayan.
tagapagtalumpati
ay ang sining ng pagbigkas nang malinaw, kahika-hikayat, kaakit-akit at epektibong paraan ng pagbigkas sa harap ng publiko tungkol sa mahahalagang paksa para maghatid ng mga impormasyon.
pagtatalumpati
Ang ________ ay nagpapakita ng katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa isang partikular na paksang pag-uusapan.
talumpati
Isa rin itong pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o audience. Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa.
talumpati
Uri ng Talumpati;
- ito ay maaaring impormatibo at manghikayat.
Batay sa nilalaman
Uri ng Talumpati;
-ito ay maaaring biglaan, maluwag, manuskrito o isinaulong talumpati.
Batay sa pamamaraan,
Uri ng talumpati sa Nilalaman at Pamamaraan;
-Ang kabuuang diskurso sa uri ng talumpating ito ay maglahad at magpaliwanag upang maunawaan ng mga tagapakinig ang paksang tinatalakay.
Impormatibong Talumpati
Uri ng talumpati sa Nilalaman at Pamamaraan;
-Sa talumpating ito, nagbibigay ng partikular na tindig o posisyon sa isang isyu ang isang nagtatalumpati batay sa malalimang pagsususri sa isang isyu.
Mapanghikayat na Talumpati
Uri ng talumpati sa Nilalaman at Pamamaraan;
-Maaaring maging sentro ng isang mapanghikayat na talumpati ang pagkuwestiyon sa isang katotohanan, sa isang pagpapahalaga o kaya ay sa polisya.
Mapanghikayat na Talumpati
Uri ng talumpati sa Nilalaman at Pamamaraan;
-Maaaring maging paksa ng talumpating ito ang magpaliwanag tungkol sa proseso na naglalaman ng sistematikong serye ng aksyon na tutungo sa resulta o pagbuo ng produkto.
Impormatibong Talumpati
Talumpating ayon sa Pamamaraan;
Talumpati na Ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.
Biglaang Talumpati (IMPROMPTU)
Talumpating ayon sa Pamamaraan;
Talumpati na nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag.
Maluwag (EXTEMPORANEOUS)
Talumpating ayon sa Pamamaraan;
Talumpati na ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan ito ng mabuti at dapat na nakasulat.
Manuskrito
Talumpating ayon sa Pamamaraan;
Talumpati na hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita.
Isinaulong Talumpati
Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig.
Talumpati
Ang isang mahusay na talumpati ay dapat nagbibigay-impormasyon,
nakapagpapaunawa, nakapagtuturo at _____________ ng mga
konsepto at paninindigan sa mga manunuod at tagapakinig.
naghihikayat
True or False?
ang talumpati ay hindi magiging ganap ng talumpati kung ito ay
hindi naibigkas sa tapat ng madla.
True
True or False?
Hindi masusukat sa talumpati ang kataatasan, husay at dunong ng
mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang
paninindigan.
False
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Talumpati;
-Mahalagang alamin ang edad o gulang ng mga tagapakinig. Iakma ang nilalaman ng paksa at maging wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig.
Ang edad o gulang ng mga
makikinig
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Talumpati;
-Kung marami ang makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati.
Ang bilang ng mga makikinig
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Talumpati;
-Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan. Magkaibang pananaw hinggil sa isang partikular na paksa.
Kasarian
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Talumpati;
-Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa
Edukasyon o antas ng lipunan
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Talumpati;
-Kung may alam na ang mga tagapakinig tungkol sa paksa, sikaping sangkapan ito ng mga bago at karagdagang impormasyon upang hindi sila mabagot o mawalan ng interes
Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig