Pagsulat Flashcards
Ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapanag maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
Pagsulat
Ito ay isang mental at pisikal na gawain
Pagsulat
Sila ang nag sabi na ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng waston gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang mga elemento.
Xing at Jin (1989)
Sinabi niya na ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan sa nagsasagawa nito.
Keller (1985)
Dimensyon ng pagsulat kung saan nabibigyan ng pagkakataon na makilala ng mambabasa ang manunulat sa pamamagitan ng mga naisusulat nito, sa kung paano nailalahad ang mga ideya, kaalaman, at kasanayan sa teksto.
Oral na Dimensyon
Dimensyon ng pagsulat kung saan ang nauugnay ito sa mga salita at lengguwaheng ginagamit ng manunulat sa kanyang teksyo. Binibigyang diin sa dimensyon na ito ang mga simbolo bilang isang biswal na interpretasyon sa ating mga isinusulat.
Dimensyon sa Pagsulat
Ang pagsulat ay isang gawaing _______ at
________.
Personal at Sosyal
Isang personal na gawain ang pagsulat kung ito ay ginagamit para sa layuning __________ o pagpapahayag ng damdamin o iniisip.
ekspresibo
Anong layunin ng pagsulat ito?
Pagsulat ng tula, Nobela, at iba pang akdang pampanitikan.
Ekspresibong layunin
Anong layunin ng pagsulat ito?
Tinatawag na transaksyunal kung saan ang dahilan ng pagsulat ng isang manunulat para sa pakikisangkot sa isyung lipunang o tao sa lipunan.
Sosyal na layunin
Anong layunin ng pagsulat ito?
Pagsulat ng liham pangangalakal.
Sosyal na layunin
Ayon sa kanya, ang layunin ng pagsulat ay impormatibo, mapanghikayat, at malikhain.
Bernales, et al. (2001)
Ang layuning ________ ng pagsulat ay may layuning magbahagi ng impormasyon o ideya.
Impormatibo
Ang layuning _________ naman ay may layuning mangumbinsi ng isang partikular na katwiran, opinyon o paniniwala
Mapanghikayat
Ang layuning _________ kung saan sa pagsulat na ito ang manunulat naman ay may layuning magpahayag ng isang kathang-isip at pagpapalawak ng imahinasyon.
Malikhain