Akademikong Pagsulat Flashcards
Ano ang limang makrong
kasanayan?
-Pagbabasa
-Panunuod
-Pagsusulat
-Pakikinig
-Pagsasalita
ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, karanasan reaksyon at opinyon base sa manunulat, gayundin ito ay tinatawag din na intelektwal na pagsusulat.
akademikong pagsulat
ay may layuning mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabataid o maiparating sa mga makakakita makababasa.
akademikong pagsulat
ay itinuturing din na isang intelektwal na pagsusulat, ito ay itinuring din na intelektwal na pagsusulat dahil layunin nito na pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
akademikong pagsulat
Ayon kina _____________, may maituturing na tatlong kalikasan ang akademikong pagsulat, ang katotohanan, ebidensya, at balanse.
Fulwiler at Hayakawa(2003)
Kalikasan ng akademikong pagsulat; naipapakita ng isang manunulat rito ang kaalamang makatotohanan.
Katotohanan
Kalikasan ng akademikong pagsulat; paglalahad ng makatotohanang impormasyon o ideya na kinakailangan ng manunulat ang mapagkakatiwalaang ebidensya
Ebidensya
Kalikasan ng akademikong pagsulat; kinakailangan ang walang pagkiling na impormasyon sa paglalahad ng impormasyon at paglalahad ng makatotohanang ideya sa sulating akademiko.
balanse
Katangian ng Akademikong Pagsulat;
-kailangan na maglaan ng ng masusing pananaliksik at pagtuklas, kailangan na mas malawak ang leksiyon at mga bokabularyo.
Kompleks
Katangian ng Akademikong Pagsulat;
-kailangan pumili ng mga salita na naaayon sa salaysay, hindi dapat gumamit ng mga salitang pabalbal.
Pormal
Katangian ng Akademikong Pagsulat;
-kailangan na ang mga impormasyon na inilalahad ay walang labis at walang kulang.
Tumpak
Katangian ng Akademikong Pagsulat;
-mga pinagbabatayang katotohanan na kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay.
Obhetibo
Katangian ng Akademikong Pagsulat;
-pagsasama-sama ng mga impormasyon pagtukoy sa pagkakaugnay at paghihinuha.
Eksplisit
Katangian ng Akademikong Pagsulat;
-dapat ang isang manunulat ay gagamit ng wastong bokabularyo o mga salita.
Wasto
Katangian ng Akademikong Pagsulat;
-kailangan na dapat ang isang manunulat ay maging responsable sa mga impormasyon na kanyang ilalahad, kaylangan ito ay hango sa kanyang sariling opinyon at pagkakaunawa upang hindi siya maparatangan ng isang playgyarista.
Responsable