MAIKLING PAGSUSULIT (Bilang 1) Flashcards
Tumutukoy ito sa tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, anong uri mng akademikong sulatin ang pinatutungkulan nito?
Buod
Ito ay isang kasanayan na maituturing na isang pisikal at mental na gawain.
Pagsusulat
Ayon sa kanya ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang mga elemento. Sino ang mga dalubhasa na nagpahayag nito?
Xing at Jin
Naalala ni Ruby ang kahulugan ng pagsulat na binibigyang diin na ito ay isang biyaya, pangangailangan at kaligayahan sa nagsasagawa nito. Kaninong kahulugan ng pagbasa ang kanyang pinagbatayan?
Keller
Nakapokus si Lesley sa pagsusuri ng kanyang binabasang akda mula sa kanyang idolong manunulat. Natukoy niya na may malaking ugnayan ang kanyang binabasang akda sa karanasan ng manunulat nito. Anong dimensyon ng pagsulat ang matutukoy sa sitwasyong ito?
Oral na dimensyon
Sinusuri ni Lesley at Brody ang kanilang akdang binabasa sa pamamagitan ng pagtukoy sa estilo o pamamaraan kung paano ito sinulat. Nakapokus sila sa estruktura at porma. Anong dimensyon ng pagsulat ang kanilang ikinokonsidera?
Biswal na Dimensyon
Si Johnson bilang isang pulis ay nagsusulat ng isang investigative report ukol sa naganap na krimen. Anong dahilan ng pagsulat ang matutukoy natin sa sitwasyong nabanggit?
A. Ito ay nagsisilbing libangan
B. Ito ay upang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral
C. Ito ay pagtugon sa bokasyon o trabaho
D. Ito ay sapilitan laman
C. Ito ay pagtugon sa bokasyon o trabaho
Si Odette ay nagbabasa ng aralin ukol sa layunin ng pagsulat na ekspresibo ayon kay Mabilin. Ano sa sumusunod na sulatin ang hindi maituturing na halimbawa nito?
- Talumpati
- Disertasyon
- Sanaysay
- Nobela
Disertasyon
Ang akademikong sulatin ay may tatlong kalikasan, ito ay ang katotohanan, ebidensiya, balanse. Sino ang mga dalubhasa ang nagtukoy nito?
Fulwiler at Hayakawa
Nagsusulat si Franco ng isang talumpati bilang manggagamot patungkol sa kasalukuyang estado ng pandemya. Anong uri ng pagsulat ang matutukoy sa talumpating isinulat ni Franco?
-Akademikong Pagsulat
-Propesyunal na Pagsulat
-Teknikal na Pagsulat
-Dyornalistik na Pagsulat
Propesyunal na Pagsulat
Nagsasagawa o nagsusulat ng isang pananaliksik sina Mathilda, Alice, Hanabi, at Bruno. Anong uri ng pagsulat ang matutukoy na kanilang ginagawa?
-Malikhaing Pagsulat
-Dyornalistik na Pagsulat
-Akademikong Pagsulat
-Propesyunal na Pagsulat
Akademikong Pagsulat
Si Roger ay nagsusulat ng isang uri ng akademikong sulatin, upang maiwasan ang pladiyarismo, siya ay nagbanggit mga sanggunian na kanyang ginamit bilang pagkilala rito. Anong katangian ng akademikong pagsulat ang kanyang ikinonsidera?
-Obhetibo
-Pormal
-May pananagutan
-May paninindigan
May pananagutan
Sa pagsulat ni Gusion ng kanyang akademikong sulatin naikonsidera niya ang layunin na magtanong at magbigay kristismo ukol sa kanyang paksa. Anong layunin ng isang akademikong sulatin ang kanyang naikonsidera?
-Mapanghikayat na layunin
-Impormatibong layunin
-Mapanuring layunin
-Malikhaing layunin
Mapanuring layunin
Sa mga gamit at pangangailangan sa proseso ng pagsulat, ano sa sumusunod ang hindi kinakailangan sa pagsasakutuparan nito?
-Wika
-Layunin
-Pagtatanong
-Kasanayang Pampag-iisip
Pagtatanong
Sa pagsulat ni Cecilion ng kanyang akademikong sulatin siya ay gumagamit ng mga angkop na salita. Maayos din ang konstruksyon ng kanyang mga pangungusap. Anong katangian ng isang akademikong sulatin ang kanyang ikinonsidera?
-Maliwanag at organisado
-May paninindigan
-May pananagutan
-Pormal
Pormal