Semi-Final Flashcards
Ang ___ ay isang proseso ng pagtanggap, paglikha ng kahulugan at pagtugon sa pasalita at/o mga di verbal na mensahe
Pakikinig
International Listing Association
Ito’y isang prosesong pan loob na hindi tuwirang nakikita
Pakikinig
Nicolas, 1998
Ito’y isang pasib at hindi aktibong proseso ng pagkuha at pagbuo ng mensahe mula sa daloy ng tunog
Pakikinig
Prince, 1988
Ang kakayahang umunawa at matukoy ang mensahe o sinasabi ay nasa pakikinig. Natututo ang tao na magsalita ng isang wika batay sa kanyang naririnig kung paano at gaano naririnig ang wika
Yagang, 1993
Ito ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa naririnig.
Pakikinig
Ito ay mula sa tunog o salita na narinig, sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na dinadala sa utak (brain) upang bigyan ng pagpapakahulugan at pagsusuri (analyze) kung ano ang naririnig
Pakikinig
Ang siyang nagbibigay ng interpretasyon at pag-unawa at doon nagkakaroon ng kahulugan ang naririnig
Utak
Batay sa pag-aaral ni ___, ipinakita niya ang mga kasanayang nagagamit sa pang-araw-araw na gawain _ bahagdan ang nagagamit sa pakikinig. ___ sa pagsasalita, __ sa pagbabasa at __ naman sa pagsulat
Babasoro 45% 30% 16% 9%
Yugto ng Proseso ng Pakikinig
Resepsyon o pagdinig sa tunog
Rekognisyon o pagkilala sa tunog
Pagbibigay kahulugan
Mapipikit natin ang ating mata ngunit hindi mo naisasara ang iyong tainga lagi itong bukas sa mga tunog na nagsisilbing stimuli
Resepsyon o pagdinig sa tunog
Ang nagdaraan sa auditory nerve patungo sa utak
Wave stimuli
Kinikilala natin ang tunog hindi lamang bilang ingay kundi bilang reyalidad
Rekognisyon o pagkilala sa tunog
Ito ay nakabatay sa dalawang naunang yugto at kung gayo’y mahigpit na nauugnay sa dalawa, ang pagbibigay kahulugan sa tunog ay higit na diskriminatibong yugto
Pagbibigay kahulugan
Elemento na may Impluwensya sa Pakikinig
Oras Tsanel Edad Kasarian Kultura Konsepto sa Sarili Lugar
Sadyang may mga ___ na ang ating pandinigay handang-handa ngunit may mga oras ding kulang iyon sa kahandaan
Oras
Madalas ang daluyan ng tunog ay nagiging sagabal sa pakikinig
Tsanel
Kapag ika’y nakikipag-usap sa telepono o radio, magiging malabo ang pagkakadinig mo sa mga salita
Tsanel
Karaniwang mahina pa ang kakayahan ng mga bata sa pagbibigay kahulugan ng naririnig samantalang karaniwang humihina na ang pandinig ng mga matatanda
Edad
May mga tao na higit na nakikinig sa babae kung paanong may iba naming sa lalaki o kung ano ang preperensya nito
Kasarian
Hindi mahihiwalay ang kultura sa pakikinig
Kultura
Sa pagbibigay ng kahulugan sa mga tunog na naririnig, ang isang tao ang laging naiimpluwensyahan ng kanyang kultura
Kultura
Ang pagkakaiba-iba ng ating pananaw ay maraming makaimpluwensya sa proseso ng komunikasyon
Konsepto sa sarili
Malaki ang epekto ng pakikinig sa tahinik, malamig, at malinis na pook
Lugar
Madaling maunawaan at malinaw marinig ang mensahe sa anumang daluyan ng komunikasyon
Lugar
Uri ng Pakikinig
Passive Marginal
Masigasig at may Pagpapahalaga
Kritikal o Mapanuring Pakikinig
Masaya at Malugod na Pakikinig
Ang nakikinig dito ay hindi gaanong napagtutuunan ng pansin ang mensahe sapagkat maraming isinasabay na Gawain
Passive Marginal
Ang nakikinig dito ay gustong magkakaroon ng kaalaman sa mensahe, hangga’t sa maari ay malapit ito sa nagsasalita upang ganap na maunawaan ang nilalaman ng mensahe
Masigasig at may Pagpapahalaga
Ang layunin ng nakikinig ay makakuha ng mensahe at magbigay puna ng pagkakatulad at pagkakaiba
Kritikal o Mapanuring Pakikinig
Ang layunin ng nakikinig ay para sa sariling kasiyahan
Masaya at Malugod na Pakikinig
Ito ay nangangailangan ng panahon at atensyon
Pakikinig
Siya ay taimtim sa pakikinig sa payo ng magulang/kaibigan, o mensahe ng pari o pastor upang mapag-isipan ang ibig ipahiwatig ng nagsasalita
Tagapakinig
Ang masining, maayos at tamang ___ ay nagiging kapakipakinabang sa mga bumabasa at nakikinig
pagbabasa
Okay
Pagbabasa
Ito ay isang paraan din ng paglalakbay ng diwa, kaisipan at maging ng imahinasyon ng tao
Pagbabasa
Ayon sa isang kasabihan sa ingles, “Reading maketh a man.”
Pagbabasa
Ito ay nagpapaunlad sa personalidad ng tao
Pagbabasa
Dito nabubuo ang kanyang pagkatao
Pagbabasa
Kailangang pag-ukulan ng maraming panahon ang __ sapagkat mahalaga ito sa pagtatamo ng karunungan
Pagbabasa
Ayon kay Leo James English (Isang awtor ng English-Tagalog Dictionary) ito ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag ng mga salita
Pagbasa/Pagbabasa
Ayon kay Goodman, ito ay isang saykolingwistiks na panghuhula kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe o kaisipan hango sa tekstong binasa
Pagbasa
Isang prosesong cyclical buhat sa teksto, sariling panhuhula, pagpapatunay, pagtataya, pagrerebisa at pagbibigay ng ibang pagkakahukugan o prediksyon
Pagbabasa
Ayon kay James dee Valentine, ito ang pinakapagkain ng ating utak at sa maraming pagkakataon, napatunayan nating marami sa mga nagtatagumpay na tao ang mahilig sa magbasa
Pagbasa
Ayon kay Coady, ang kaisipang ibinibigaqy ni Goodman na nagwikang ang dating kaalaman ng tagabasa ay kailangan maiugnay niya sa pagpopoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto
Pagbasa
Mga Layunin ng Pagbasa
Nagbabasa tayo upang maaliw
Nagbabasa tayo upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at maiimbak sa ating isip
Mabatid ang ibang pang mga karanasan na kapupulutan ng aral
Napaglalakbay natin ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating
Napag-aaralan natin ang ibang kultura ng lahi upang mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa kulturang ating kinagisnan
Uri ng Pagbasa
Iskaning o Palaktaw na Pagbasa Iskiming Previewing Kaswal na Pagbasa Masuring Pagbasa Pagbasang may pagtatala
Ang nagbabasa ay tumutunton sa mahalagang salita, mga pamagat at mga subtitulo
Iskaning o Palaktaw na Pagbasa
Palaktaw-laktaw na pagbubuklat sa materyal ang paraang ginagamit sa ganitong pagbasa
Iskaning o Palaktaw o Palaktaw na Pagbasa
Ito ay mabilisang pagbasa bupang makuha ang pangkalahatang ideya ng teksto.
Iskiming
Pahapyaw na pagbasa ang isinasagawa sa mga seleksiyon tulad ng pamagat
Iskiming
Ginagawa ito para sa pagtingin o paghanap ng mahalagang impormasyon na maaring makatulong sa bumabasa
Iskiming
Sinusuri ng mambabasa ang kabuuan, estilo, at register ng wika ng sumulat
Previewing
Kadalasang ginagawa bilang pampalipas oras lamang
Kaswal na Pagbasa
Isinasagawa ang pagbasa na ito nang maingat para maunawaan ganap ang binabasa upang matugunan ang pangangailangan
Masuring Pagbasa
Ito ang pagbasang may kaakibat na pagtatala o pagha-highlight ng mahalagang impormasyon sa teksto
Pagbasang May Pagtatala
Mga Teorya sa Pagbasa
Teoryang Top-Down
Teoryang Bottom-Up
Teoryang Iskema
Teoryang Interaktiv
Ang pagbasa ay pagkilala sa mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog
Teoryang Bottom-Up
Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, sa parirala sa pangungusap at sa buong teksto, bago pa man ang pagkakahulugan dito
Teoryang Bottom-up
Tinatawag ito na “outside-in” o “data-driven” sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa kundi sa teksto
Teoryang Bottom-Up
Pinaniniwalaan ang teksto ay walang kahulugan taglay sa sarili
Teoryang Iskema
Ito ay nagbibigay lamang ng direksyon sa nakikinig o nagbabasa kung paanong gamitin at mabibigyang-kahulugan ang teksto mula sa kanilang dating
Teoryang Iskima
Ang dati ng kaalaman ang siyang saligang kaalaman at ang kayarian balangkas na dating kaalaman ang iskemata
Teoryang Iskema
Binibigyang diin ng teorya ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang produkto
Teoryang Interaktiv
Sinusuri ang naging proseso sa kasugutan ng mag-aaral
Teoryang Interaktiv
Sa teoryang ito, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa
Teoryang Interaktiv
Ito ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita
Pagbasa
Ama ng Pagbasa
William S. Gray
Proseso ng Pagbasa/Antas ng Pagbasa
Persepsyon o Pagkilala
Komprehensyon o Pag-unawa
Aplikasyon
Integrasyon
Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog
Persepsyon o Pagkilala