Replektibong Sanaysay Flashcards
Ang _____ ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik-tanaw.
Isa itong uri ng panitikan na napapabilang sa anyong tuluyan o prosa.
Replektibong Sanaysay
Ayon kay _____, ang isang replektibong sanaysay ay mapanuri, mapanuya, nagpapatawa, pampolitika, pangkasaysayan, pampilosopiya, pampanitikan, panggunita, pangkabutihang-asal at iba pang damdamin.
Bunnz (2017)
Ano ang pangunahing layunin ng replektibong sanaysay?
- Maipararating ang pansariling karanasan.
- Maipababatid ang mga nakalap na impormasyon at mailalahad ang mga pilosopiya at karanasan.
Ayon naman kay _____, sumasagisag ang isang replektibong sanaysay sa pagbabatid natin kung ano ang tema, ano ang estruktura at ano ang punto de vista ng sanaysay.
Cruz (2002)
Mga konsiderasyon sa pagsulat ng replektibong sanaysay:
- Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos
- Pagandahin ang panimulang bahagi
- Ang konklusyon ay dapat mayroong repleksyon
- Kinakailanagan na malinaw ang paglahad ng punto
- Suriin ng ilang ulit ang naisulat na repleksyon
Mga hakbang sa pagbuo ng isang replektibong sanaysay:
- Pumili ng paksang nais mo
- Ilista ang lahat ng ideya tungkol sa paksa
- Magsagawa ng pagbabasa at pagsasaliksik
- Sumulat ng paunang burador
- Basahig muli ang burador
- Isulat ang unang rebisyon ng sulatin
- Suriin ang nirebisang sulatin
- Isulat ang pinal na dokumento