Agenda Flashcards
Nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Agenda, Sudaprasert (2014)
Layunin ng Adyenda
- Natutukoy ang kahalagahan ng talaan ng pag-uusapan
- Nabibigyang-halaga ang etika sa pagsulat ng agenda
- Nakasusulat ng agenda ayon sa mga dapat isaalang-alang na pamamaraan
Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga ____ ng matagumpay na pulong.
Susi
Kung kayat ay napahalagang maisagawa ito nang ______ at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.
Maayos
Ilang Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Adyenda ng Pulong:
- Ito ay nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:
- mga paksa na tatalakayin
- mga tao na tatalakav o magpaliwanag ng mga paksa
- oras na itinakda para sa bawat paksa - Ito rin ang nagtatakda ng balangkas sa pulong
- Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist
- Ito ay nagbibigay rin na pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin
- Ito ay nakakatulong upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
Ano ang mga Hakbang sa Pagsusulat ng Adyenda?
- Magpadala ng memo na nagsasaad na magkakaroon ng pulong.
- Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito.
- Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin.
- Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong.
- Sundin ang nasabing agenda sa pagsasagawa ng pulong
Apat na Elemento ng Isang Organisadong Pagpupulong:
Pagpaplano (Planning)
Paghahanda (Arranging)
Pagproseso (Processing)
Pagtatala (Recording)
Magkaroon ng malinaw na layunin kung bakit dapat may pagpupulong.
Pagpaplano (Planning)
Sa imbitasyon kailangan sabihan ang mga taong dapat na sumalo sa pulong ng mga sumusunod:
1. kailan
2. saan
3. ano ang agenda na tatalakayin
4. Pinakamahalagang pag-uusapan
5. pagtatapos ng pulong
Paghahanda (Arranging)
Ang _________ ay nakadepende rin sa mga partikular na tungkulin ng mga tao sa pulong.
Paghahanda
Kailangang alam nya ang agenda, kung paano patatakbuhin ang pulong, at alam kung paano hahawakan ang mga mahihirap at kontrobersyal na mga isyu.
Chairman/President (presiding officer)
Kailangan niyang ihanda ang katitikan noong nakaraang pulong at iba pang ulat at kasulatan ng organisayon.
Secretary (kalihim)
Kailangang pag-aralan nila ang mga agenda o mga bagay na pag uusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok.
Mga kasapi sa pulong (members)
Ang pulong ay dapat mayroong mga “rules, procedures o standing orders” kung paano ito patatakbuhin.
Pagproseso (Processing)
Bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang pulong. Madalas ito ay 50% + 1 ng bilang ng mga inaasahang dadalo sa pulong.
Quorum
Kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi sa pulong
Consensus
Kinakailangan ang 50%+ 1 (simple majority) ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong
Simpleng Mayorya