Memorandum Flashcards
Ang ___________ nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
Memorandum, Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, English for the Workplace 3 (2014)
Sa ____ nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila.
Memo
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang ______
Sining
Dapat tandaan na ang memo ay ___________
Hindi isang liham
Maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.
Memo
Ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo
Dr. Darwin Bargo, Writing in The Discipline (2014)
Ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
Puti
Ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
Rosas
Ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department nito
Dilaw o luntian
Tatlong Uri ng Memorandum Ayon sa Layunin
Memorandum para sa kahilingan Memorandum para sa kabatiran
Memorandum para sa pagtugon
Makikita sa __________ ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono.
Letterhead
Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag- uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.
Tama
Ang bahaging _____ ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito.
Paksa
Sa bahaging _____, iwasan ang paggamit ng numero. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito.
Petsa
Ang bahaging _______ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo.
Mula kay