Katitikan Flashcards
Ang ______ ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan.
Pulong
Ang opisyal na tala ng isang pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.
Katitikan
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong:
- Heading
- Mga kalahok o dumalo
- Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
- Action items/Usaping napagkasunduan
- Pabalita o patalastas
- Iskedyul ng susunod na pulong
- Pagtatapos
- Lagda
Naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon,o kagawaran. Makikita ang petsa ,lokasyon , at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
Heading
Nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin.
Mga Kalahok o Dumalo
Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay.
Action items/Usaping napagkasunduan
Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito .
Pabalita o patalastas
Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
Iskedyul ng susunod na pulong
Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
Pagtatapos
Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
Lagda
Dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito.
Bargo (2014)
Sudaprasert, English for the Workplace 3 (2014): Ang Kumukuha ng Katitikan ng Pulong ay Kinakailangang:
- Hindi participant sa nasabing pulong
- Umupo malapit sa tagapanguna
- May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
- Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
- Nakapokus lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
- Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading
- Gumamit ng recorder kung kinakailangan
- Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
- Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
- Isulat agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong
Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong:
- Ulat ng katitikan
- Salaysay ng katitikan
- Resolusyon ng katitikan
Ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
Ulat ng katitikan