Renasimyento Flashcards
Ano ang naging daan sa pagtatapos ng Panahong Medyibal
Black Death
1347-1351
Ito ay hango sa salitang Pranses na renaistre na nangangahulugang “muling pagsilang”.
Renasimyento
14th-17th century
Ito ay isang termino na ginagamit upang ilarawan ang isang kilusang intelektuwal na nagpapahalaga sa pag-aaral ng klasikal na literatura ng mga Griyego at Romano noong panahong Renasimyento.
Humanismo
Siya ang tianguriang “Ama ng Humanismong Italyano”. Pinakamahalaga niyang isinulat ay ang Song Book na koleksiyon ng sonata ng pag-ibig.
Francesco Petrarch
1304-1374
Siya ang may-akda ng Decameron na koleksiyon ng mga nakakatawang salaysay ng sampung kabataan na tumakas sa naganap na Black Death.
Giovanni Boccaccio
1313-1375
Siya ang nagsalin ng mga klasikong akda nina Plato, Aristotle, at iba pang Griyegong pantas sa Latin.
Itinuring bilang unang modernong historyador
Leonardo Bruni
Siya ang may-akda ng The Prince (IIPrincipe) na tumatalakay kung paano makukuha at mapananatili ang politikal na kapangyarihan.
Niccolo Machiavelli
1469-1527
Isinulat niya ang The Book of the Courtier na naglalarawan kung paano dapat umasal ang mga cartier o mga tagapangasiwa sa korte ng hari o reyna.
Baldassare Castiglione
1478-1529
Siya ay isang Olandes na itinuturing na unang nagpalaganap ng humanis mo sa labas ng Italya.
Rodolphus Agricola
1443-1485
Isa siyang Kristiyanong humanista na may akda ng In Praise of Folly.
Desiderius Erasmus
1466-1536
Siya ay isang Kristiyanong humanista sa Inglatera na sumulat ng Utopia na tungkol sa isang ideal na lipunan.
Thomas More
1478-1535
Sinulat niya ang kalipunan ng mga nobela tungkol sa mag-amang higante na may titulong The Life of Gargantua and Pantagruel
Francois Rabelais
1494-1553
Siya ang nagsimula sa pagsulat ng sanaysay bilang bagong anyo ng panitikan sa aklat niyang Essais.
Michael de Montaigne
1533-1592
Siya ay nobelista mula sa Espanya na may-akda ng Don Quixote na kumutya sa kabalyeria noong Panahong Medyibal
Miguel de Cervantes
1547-1616
Siya ay itinuturing na pinakamahusay na dramatista sa daigdig mula sa Inglatera.
Romeo and Juliet
William Shakespeare
1564-1616