Quarter 2: lesson 1 Flashcards
ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
makabuo at amunawaan nang maayos ang mga
nabubuong pangungusap (Chomsky, 1965)
- pumapaloob sa kakayahang komunikatibo kung
saan ang mga nabubuong pangungusap ay angkop
sa isang panlipunang ugnayan.
- bahagi rin ng komunikatibong kakayahan ang
kakayahang sosyolingguwistiko, kakayahang
pragmatiko, at kakayahang diskorsal (Hymes, 1972)
KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO
- tinutukoy nito ang
pangngalan ng tao,
hayop, lugar, bagay o
pangyayari
PANGNGALAN
- tinutukoy ay mga
karaniwang pangngalan
hal. libro, tindahan,
presidente, lungsod
Pambalana
- tinutukoy ay mga
pangngalang natatangi sa iba
hal. Noli Me Tangere, Aling
Nena Sari-Sari Store, Manuel L.
Quezon, Davao
Pantangif
- tumutukoy sa mga pandiwang
maaaring maging pangngalan sa
pamamagitan ng paglalagay ng
panlaping pag- na karaniwang
ginagamit na simuno sa
pangungusap.
hal. pag + upo (pandiwa) = pag-
upo
Pangngalang-Diwa
- ginagamit ding simuno sa
pangungusap: ako, ikaw,
ka, siya, kita, tayo, kami,
kayo, sila
Panao
- ito ay humahalili sa
pangngalan. Nahahati sa
apat: panao, pamatlig,
pananong, at panaklaw.
PANGHALIP
- nagpapahayag ng layo o
distansya ng mga tao o bagay
sa nagsasalita o kinakausap :
ito, iyan, iyon, nito, niyan,
niyon, dito, diyan, doon
Pamatlig/Demonstratib
- mga salitang ginagamit sa
pagtatanong tungkol sa
tao, bagay, panahon, lugar,
o pangyayari
Pananong
- tumutukoy sa kaisahan o
kalahatan ng pangngalan - Walang Lapi - iba, ilan, kapwa
- May Lapi - sinuman, kaninuman, anuman
Panaklaw
salitang nagsasaad ng kilos o gawa.
- binubuo ng salitang ugat at panlapi.
- tatlong aspekto: perpektibo,
imperpektibo, kontemplatibo
PANDIWA
- nagsasaad na ang kilos ay tapos na.
nag + salitang ugat
Perpektibo
hal.
Nagbasa ako ng aralin kahapon upang
makapasa sa pagsusulit ngayon.
Perpektibo
- nagsasaad na ang kilos ay laging ginagawa o
kasalukuyang nangyayari
nag + unang pantig ng salitang ugat + salitang
ugat
hal.
Naglalaba ako tuwing Sabado.
Imperpektibo/Pangkasalukuyan
nagsasaad na ang kilos ay sisimulan o isasagawa
pa lamang
mag + unang pantig ng salitang ugat + salitang
ugat
hal.
Magpapasa ako ng aplikasyon sa kumpanyang
iyon sa susunod na linggo.
Kontemplatibo
- ito ang salitang naglalarawan sa
pangngalan at panghalip - Kaantasan ng pang-uri: Lantay,
Pahambing (magkatulad at
palamang), Pasukdolv
PANG-URI