lesson 4: wika at kasarian Flashcards
ay itinakda, at agad na nalalaman pagkasilang ng tao, hindi nagbabago, at biyolohikal.
Sex
ay nalalaman ng isang tao matapos siyang ipanganak. Ito ay ang pakiramdam na angitinakdang katangian, papel, gawain ay panlalaki/pambabae.
Gender
sino ang naglatag ng anim na magkaibang paraan ng pakikipag-usap ng babae sa lalaki.
Deborah Tannen (1990)
ay pinahahalagahan ng babae ang maayos na pakikitungo, relasyon sa kapwa, pagkakasundo, at pagsuporta sa kapwa upang makamit ang intimacy. Samantalang independence naman sa mga kalalakihan dahil tinitingnan nila na ang pagkuha/paghihintay ng utos mula sa iba ay nakakababa ng posisyon. Ang pagdedesisyon ay dapat nagmumula sa kanila.
Intimacy at Independence
Anumang suliranin o problemang dumating ay isang hamon upang makahanap ng solusyon para sa mga_________
kalalakihan
Anumang suliranin o problemang dumating ay isang hamon upang makahanap ng solusyon para sa mga kalalakihan. Kinakailangan naman ng babae ang emosyonal na suporta at simpatya sa anumang suliraning pinagdadaanan nito.
Advice at Understanding
Kinakailangan naman ng __________ ang emosyonal na suporta at simpatya sa anumang suliraning pinagdadaanan nito.
kababaihan
isang akademikong kumperensiya, na napansin na ang mga babae ang madalas na iniimbitahan na maging speaker o tagapagpaliwanag ngunit ang mga kalalakihan ang madalas na nagtatanong at nagbibigay ng komento.
Marjorie Swacker
Ito ay paraan sa komunikasyon upang magkaroon ng magandang relasyon sa kapwa.
Rapport-talk:
Layunin nito na makakuha at makapagbigay ng impormasyon sa pakikipag-usap.
Report-talk:
Ang ________ ay inilalarawan na madaldal sa pribadong konteksto o lugar.
babae
Sa kabilang banda, ang mga _______ naman ay mas madaldal sa pampublikong lugar upang ipahayag ang kanilang mga komento at opinyon tungkol sa isang paksa. Sila ay nakatuon sa kanilang kinatatayuan sa lipunan.
lalaki
Gusto ng mga ________ na nasusunod ang kanilang mga gusto, at dumarating din sa punto na umaabot sa pisikal na puwersahan.
kalalakihan
Nakukuha naman ng mga _________ ang gusto nila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na pakikitungo sa kausap upang maiwasan ang hindi pagkakasunduan.
kababaihan
Mas nakatuon ang _______ sa estado at kanilang posisyon dahil sa kagustuhan na mangibabaw sa iba at magbigay ng utos, kaya nakikipagpaligsahan ang mga ito sa kapwa nila upang makuha ang kapangyarihan na mangibabaw.
lalaki
Nakikipag-usap naman ang _______ upang magkaroon ng koneksyon at maayos na relasyon sa kapwa upang makakuha ng suporta.
babae
sino ang nagsabi ng mga sumusunod
Mas madaldal ang mga babae kaysa sa lalaki.
Mas kakaunti ang ginagamit na mga salita ng babae kaysa sa mga lalaki.
Mas madaling basahin ang mga nobelang isinulat ng mga babae dahil gumagamit sila ng mga salitang madaling maintindihan tulad ng chick literature.
Dahil mas limitado ang mga salitang alam ng mga kababaihan, mas marami itong nasasabi nang walang pag-aalinlangan.
Hindi kumpleto ang mga unang pangungusap ng babae dahil nagsasalita muna sila bago nila maisip ang kanilang mga sasabihin.
6. Mas gumagamit ng mga pang-ugnay na salita tulad ng “at” o “dahil” dahil mas iniisip nila ang emosyon kaysa sa balarila.
- Mahilig mambati o magsabi ng mga papuri ang mga kababaihan katulad ng “maganda” at “bagay sa iyo”.
- Mas mahilig gumamit ng mga pang-abay o mga salitang naglalarawan ng mga imposibleng pangyayari o hyperbole.
- Hindi gumagamit ng mga bagong salita.
- Mas madaling natututo ng ibang wika ang mga kababaihan.
Otto Jespersen
Sino ang nag sabi ng mga sumusunod:
- Gumagamit ng mga dagdag na salita tulad ng “kung saan,” “kung kaya,”“ang,” “datapwat,” “subalit,” at iba pa.
- Mas magalang ang mga kababaihan.
- May mga espesyal na salita o pagbabansag sa mga bagay-bagay.
- Hindi gaanong nagsasalita sa lahat ng oras
Robin Lakoff
sino ang nag gawa ng disertasyon na Pagkababaeat Pagkalalake: Developing a Filipino Gender Trait Inventory and Predicting Self-esteem and Sexism (2012),
Dr. Vivian Velez-Lukey
ay isang pagkontrol at pamumuno ng isang grupong tinatawag na elite. Sino itong mga elite? Sila ang mga taong nakapag-aral,may mataas na posisyon sa lipunan, at may angking yaman.
Ang elitismo ay isang pagkontrol at pamumuno ng isang grupong tinatawag na elite. Sino itong mga elite? Sila ang mga taong nakapag-aral,may mataas na posisyon sa lipunan, at may angking yaman.
Nagmula ito sa wikang Latin na “eligere” na ang ibig sabihin ay “to select” sa wikang Ingles. Nangangahulugan ito na pili lamang ang nabibilang sa grupo ng mga elit at kakaunti lamang sila lalo na sa Pilipinas.
saan nagmula ang salitang “elitismo”
wikang latin na “Eligere”
ano ang ibig sabihin ng “eligere”
“to select” sa wikang ingles
ayon kay_______ ____ Nagagamit ang wika sa pagpapanatili ng kapangyarihan, pagmamanipula, at pamumuno ng mga tao
Consuelo Paz
anong panahon ito
- Gusto nila na manatili sa kanilang pangangasiwa ang pamahalaan at edukasyon.
- Dahil sa paglakas ng liberalismo sa Espanya, nakita nila na mas makabubuti na hindi matuto ng wikang Kastila ang mga Pilipino upang hindi makarating sa kanila ang anumang kaalamang liberal.
panahon ng pananakop ng kastila
ano ng pag aaral ang ginawa ni consuelo paz at kailang ito?
Wika ng Naghaharing Uri (1996).