Q3: Lesson 4 | Tekstong Persuweysib Flashcards
ito ay pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi tangkilikin.
name-calling
ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produkto na tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
glittering generalities
ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
transfer
kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang mag-endorso ng isang tao o produkto.
testimonial
karaniwan itong ginagamit sa kampanya para sa eleksiyon kung saan ang politiko ay pinalalabas na isang ordinaryong tao.
plain folks
ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
card stacking
Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
bandwagon
ang mahikayat o makumbinsi ang babasa ng teksto.
tekstong persuweysib
Isinusulat ito upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama.
tekstong persuweysib
Hinihikayat din nito ang mambabasa na tanggapin ang posisyong kanyang pinaniniwalaan.
tekstong persuweysib
ay subhetibo ang tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.
tekstong persuweysib
Mababasa rito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda.
tekstong persuweysib
Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
tekstong persuweysib
Tatlong (3) paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi ayon sa Griyegong pilosopo na si Aristotle:
Ethos
2. Pathos
3. Logos
ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.
ethos
Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay bakâ hindi silá mahikayat na maniwala rito.
ethos
tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
pathos
Ayon kay ____ karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon.
Aristotle,
Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon.
pathos
ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
logos
Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto na siyang dapat paniwalaan.
logos
ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito.
ad hominem fallacy,