Q3: Lesson 3 | Tekstong Naratibo Flashcards
Ang maikling kuwento, pabula, alamat at nobela ay ilan sa mga halimbawa ng
tekstong naratibo
Isa sa mga layunin ng ______ ang mang-aliw o manlibang sa mga mambabasa kaya naman ito’y nakabase sa katotohanan ay higit itong nakatuon sa katotohanang may kaugnayan sa emosyonal at moral na anggulo sa halip na sa paghahanap ng katotohanan sa lahat ng detalye na kailangan pang gamitan ng pananaliksik na siya namang taglay ng isang tekstong impormatibo.
naratibong di piksyon
ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyayari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
tekstong naratibo
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.
tekstong naratibo
Isang uri ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari ay
tekstong naratibo
sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
unang panauhan
dito kinakausap ng manunulat ang tauhang pinapagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang sinabi, hindi ito gaanong ginagamit ng manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
ikalawang panauhan
ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya.
ikatlong panauhan
Ang tagapagsalaysay ay taga-obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari.
ikatlong panauhan
nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.
maladiyos na panauhan
Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
maladiyos na panauhan
nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
limitadong panauhan
hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
Tagapag-obserbang panauhan
Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.
Tagapag-obserbang panauhan
dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay .
Kombinasyong Pananaw o Paningin
Karaniwan itong nangyayri sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.
Kombinasyong Pananaw o Paningin
sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.
Direkta o tuwirang pagpapahayag
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinabi ,inisip o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
lahat ng tekstong naratibo
ay nagtataglay ng mga tauhan.
Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan.
tauhan
kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.
expository
kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.
dramatiko
sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula sa simula hanggang sa katapusan.
pangunahing tauhan
ang katunggalian o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.
katunggalian tauhan
gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan.
kasamang tauhan