Q3: Lesson 2 | Tekstong Deskriptibo Flashcards
ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay,
subhetibo
naman ang paglalarawan kung ito’y may pinagbabatayang katotohanan.
obhetibo
ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
tekstong deskriptibo
Subalit, sa halip na pintura o pangkulay,mga salita ang ginamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa ___
tekstong deskriptibo
Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang ilarawan ang bawat tauhan, tagpuan o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
tekstong deskriptibo
ay isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama.
tekstong deskriptibo
Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawang mga detalye ng kanyang nararanasan.
tekstong deskriptibo
Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay- bagay, pook, tao, o pangyayari.
tekstong deskriptibo
____ ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na“Ano”.
deskriptibo
nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig
batay sa pandama
bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan
batay sa nararamdaman
batay sa obserbasyon ng mga nangyayari
batay sa obserbasyon
ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
karaniwan
Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama.
karaniwan
Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular na detalye sa payak na paraan.
karaniwan
Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buháy na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may akda. Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma.
masining
Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay.
masining
Mas layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan.
masining
Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan niya ang kagandahan ng kanyang modelo, ang isang manunulat naman ay _____ ang ginagamit upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at pang-abay.
wika
Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos ang pagkalahad ng mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inilalarawan.
MAAYOS NA DETALYE
Maaaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan.
pananaw na paglalarawan
Ang isang pook, halimbawa, ay maaaring maganda sa isang naglalarawan habang ang isa naman ay hindi kung ito ay nagdulot sa kanya ng isang di magandang karanasan.
pananaw na paglalarawan
Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa otagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan.
isang kabuoan o impresyon
Dito ay sama- sama na ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng naglalarawan.
isang kabuoan o impresyon