Piling Larangan Flashcards
Isa sa mga 5 makrong kasanayan. Gumagamit ito ng mga simbolo para maipahayag ang kaisipan at ideya.
Pagsulat
Ayon sa kaniya, ang mabisang kakayahan sa pagsulat ay sadyang mailap sa nakararami, kahit pa ang isang sulatin ay isinulat sa una o ikalawang wika - ngunit napag-aaralan. Kaya, ito ay patuloy na nangangailangan ng pagsasanay upang maabot ang mga layunin nito: (1) makalikha at makagawa ng maayos at makabuluhang sulatin, (2) makapagbahagi ng kaalaman, at (3) makakumbinsi ng ibang tao sa katotohanan o ibinibigay na opinyon.
Badayos (2000)
Kapag ito ay natamo, tiyak na isang biyaya na tanging ipinagkaloob dahil ito ay isang pangangailangan na nakapagtatamo ng kaligayahan sa sinumang nakapagsasagawa nito.
Keller (1985)
Ito ang ugnayan ng ideya, imahinasyon, nararamdaman, saloobin, at tiyak na kilos na nagiging pundasyon at batayang sandigan ng manunulat na nakapagpapalawak, nakapagpapalalim, at nakapagpapatibay ng anumang ipapahayag sa sulatin.
Kasanayan sa Pampag-iisip
(Thinking Skills)
Ito ang kombinasyon ng lahat ng kasanayan sa pagsulat na ipinakikita ang kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon (mula panimula hanggang wakas) na maayos, organisado, obhetibo, at sa masining na pamamaraan.
Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin
(Logical Flow of Writing)
Uri ng Pagsulat Based on Style
Pormal at Di-Pormal
Ito ang karaniwang ginagamit sa pagbibigay impormasyon, paglalahad ng isyu na may basehan, at pananaliksik na ang tono ng pagsulat ay pormal o seryoso kaya piling-pili ang salitang ginagamit dito. Ang pagpapahayag din ay nasa ikatlong panauhan, at mahigpit na sinusunod ang proseso upang magkaroon ng malinaw na daloy ang kaisipan mula sa paksa hanggang sa mga detalye nito.
Pormal na Pagsulat
Ito ang karaniwang ginagamit sa mga kwento at mga sanaysay na karaniwan at personal ang paksa kaya parang nakikipag-usap lamang ang manunulat nito. Magaan din ang tono at pananalita nito na madalas na inilalabas ang pagkamalikhain ng manunulat at naglalayong makapagbigay-aliw.
Di-Pormal na Pagsulat
Uri ng Pasulat Based on Purpose and Audience
- Teknikal
- Propesyonal
- Reperensyal
- Dyornalistik
- Malikhain
Tulad ng teknikal na pagsulat/sulatin, ito ay may partikular na paksa at ginagamitan ng teknikal na terminolohiya dahil sa ang sulating ito ay ginagawa lamang ng mga nasa tiyak na propesyon o larangan, at ang mga propesyonal lamang ang maaaring sumulat at magsagawa nito.
Propesyonal
Ito ay isang uri ng sulatin na may partikular na paksa na nangangailangan ng direksyon, pagtuturo, o pagpapaliwanag. Ito ay madalas na ginagamitan ng teknikal na terminolohiya at nakatuon sa espisipikong audience o pangkat ng mga mambabasa
Teknikal
Nakatuon sa pagbibigay impormasyon at pagsusuri sa paksa. Upang maging wasto, tumpak, at makatotohanan, tinutukoy ng manunulat ang pinaghanguan ng iba’t ibang sors o reperens gamit ang pagtatalang parentetikal, talababa, endnotes at marami pang iba na ginamit sa sulatin. Halimbawa: Pamanahong Papel, Disertasyon at Interbyu.
Reperensyal
Madalas na sinusulat sa iba’t ibang pormat ng media upang mag-ulat ng mga importante at detalyadong impormasyon tungkol sa mga iba’t ibang pangyayari sa loob at labas ng isang bansa. Ang mga journalist o mamamahayag ang malimit na gumagawa nito. Halimbawa: Balita, Editoryal, at Kolum o Lathalain sa magasin.
Dyornalistik
Mga sulating nasa larangan ng literatura na uri ng panitikan at lumalabas sa mga hangganan ng propesyonal, jornalistik (pamamahayag), o teknikal na pagsulat/sulatin. Maaaring ito ay di-piksyonal (batay sa katotohanan) o piksyonal (mula sa imahinasyon ang mga pangyayari at tauhan). Halimbawa: Tula, Dula, at Nobela.
Malikhain
Mga Paraan ng Wastong Pagbuo ng Teksto
- Wasto ang pagpili ng tamang salita (bokabularyo)
- Mayroong lohikal na daloy ng mga kaisipan
- Mayroong Pagkakaisa ang mga bahagi at istruktura
Naglalayong makabuo ng malinaw na larawan sa isip ng mambabasa o tagapakinig kaya kinakailangan ang paggamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw, at iba pang kauri nito (madalas itong tinatawag na masining na paglalarawan)
Deskriptibo
Paglalahad, pagpapahayag at pagbibigay kaalaman, kabatiran o kuro-kuro sa mga pangyayari, bagay, lugar o kapwa-tao. Ito ay madalas na nagbibigay-linaw upang lubos na maunawaan ng may interes ang isang paksa. Ilan sa mga sulatin na kabilang dito ay ang mga aklat, pananaliksik, lab report, business report, balita, at iba pa.
Ekspositori/Impormatibo
Pagsasalaysay o pagkukwento ng mga magkakaugnay o sunod-sunod na pangyayari na maaaring totoo o likhang isip ng mga sariling karanasan o pangyayaring nabasa, nakita, napanood, napakinggan o nabalitaan. Ilan sa mga sulatin dito ang mga sulating pampanitikan, talambuhay, balita, at iba pa.
Naratibo
Pangangatwiran at di-mapapasubaling pagsisiwalat ng prinsipyo o paninindigan kalakip ang mga ebidensya mula personal na karanasan, kasaysayan, resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Ang madalas na layunin nito ay mahikayat na pumanig o sumang-ayon ang mambabasa sa paniniwala ng manunulat. Ilan sa mga sulatin na kabilang dito ay ang editoryal, talumpati, at marami pang iba.
Argumentatibo
Maayos na Pagpaplano at Pag-edit
BAGO SUMULAT:
1. Bumuo ng Paksa
2. Tiyakin ang Layunin
3. Ilapat ang Paraan ng Pagsulat
4. Mangalap ng Impormasyon
Mga Bagay na Isaalang-alang sa Pangangalap ng Impormasyon
- Accurate
- Objective
- Recent (within 5 years unless historical
- Relevant to the Topic
- Relevant to the Audience