KomPan Flashcards
Tumutukoy sa isang cognitive function na nagbibigay sa mga tao ng kakayahang matuto at gumamit ng mga kumplikadong sistema ng komunikasyon.
Wika
(Bernales et al. 2016)
Nagmula sa salitang Latin na “lingua” na nangangahulugang dila.
Language
Ayon sa kaniya, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng nakasulat o phonetic na mga simbolo. Ito ay isinulat at isinasabuhay ng ilang grupo ng mga tao sa bansa, gamit ang kanilang sistema ng panulat, na sila lamang ang nakakaintindi.
Noah Webster
Siya ang nagsabi, ang pagsasalita ay ang pangunahing at pinakadetalyadong anyo ng simbolikong aktibidad ng tao, at ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na ginawa ng aparato ng pagsasalita at nakaayos sa mga patern na bumubuo ng isang kumplikado at simetriko na istraktura. Ang kahulugan ng mga simbolong ito ay arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
Archibald Hill
Ayon sa kaniya, ang wika ay isang maayos na balangkas ng mga tunog ng pagsasalita na random na pinili at inayos para gamitin ng mga tao sa isang kultura.Ito ay sinaliksik at tinanggap ng mga gumagamit nito. Kung hindi miyembro ng komunidad, maaaring hindi agad naiintindihan ang wika. Ngunit kung gustong pag-aralan ang wika, maaari itong matutunan.
Henry Gleason
Ano ang mga katangian ng wika?
- Masistemang balangkas
- Sinasalitang tunog
- Pinipili at isinasaayos
- Arbitraryo
- Nakabatay sa Kultura
- Nagbabago
Ang tunog ng isang mahalagang wika.
Ponema
Siyentipikong pag-aaral ng mga ponema
Ponolohiya
isang maliit na yunit ng salita.
Morpema
Siyentipikong pag-aaral ng mga morpema.
Morpolohiya
Ang pag-aaral ng mga pangungusap.
Sintaksis
Isang makabuluhang pagpapalitan ng dalawa o higit pang tao
Diskurso
Ito ang pambansang wika ng Pilipinas.
Filipino
Kahulugan ng De Jure
naaayon sa batas o sa pamamagitan ng karapat-dapat na karapatan
Kahulugan ng De Facto
Umiiral kahit hindi legal na kinikilala.
Ayon sa batas na ito, Filipino ang wikang pambansa at dapat itong payabungin at pagyamanin gamit ang iba’t ibang wika ng Pilipinas.
Konstitusyon ng 1987
Wikang ginagamit para sa edukasyon sa Pilipinas.
Wikang Panturo - Filipino at Ingles
Wikang ginagamit ng pamahalaan at batas ng Pilipinas.
Wikang Opisyal - Filipino at Ingles
Ayon sa polisiyang ito, Filipino at English bilang wikang panturo.
Bilingual Education Policy (1987)
Sa K to 12 curriculum, ginagamit ang (blank) mula una hanggang ikatlong baitang.
Mother Tongue
Paggamit ng dalawang wika nang mahusay sa iba’t ibang larangan (edukasyon, politika, ekonomiya).
Bilingguwalismo
Ayon dito, Filipino at Ingles ang wikang panturo sa iba’t ibang asignatura mula elementarya hanggang kolehiyo.
Bilingual Education Policy
Wikang panturo sa Filipino, Araling Panlipunan, Musika, Sining, PE, Home Economics, Edukasyon sa Pagpapakatao
Filipino
Wikang panturo sa agham, matematika, teknolohiya, at iba pang asignatura
Ingles
Tumutukoy sa paggamit ng tatlo o higit pang wika, kasama ang kakayahang magsalita, magbasa, at makaunawa ng mga ito.
Multilingguwalismo
Paggamit ng unang wika kindergarten hanggang ika-3 baitang. Layunin nitong mapadali ang pagkatuto ng mga estudyante.
MTB-MLE