Panitikan Flashcards
Asignatura na nag aaral ng mga akda, tula, dula at iba pang sining ng panitikan na may kaugnayan sa mga aspeto ng lipunan. Ito ay naglalayong maipamalas ang ugnayan ng panitikan sa mga isyung panlipunan, kultura, at kasaysayan ng bansa o komunidad.
Panitikang Panlipunan
Tumutukoy sa isang samahan o grupo ng mga indibidwal na nagkakaroon ng mga ugnayan at interaksyon sa loob ng isang partikular na lugar o komunidad.
Sosyedad/Lipunan
Isang masusing pagsusuri ng mga akdang nakasulat o oral na nagpapahayag ng mga ideya, damdamin, kuwento, at karanasan ng tao.
Literatura o Panitikan
Isang uri ng panitikan na naglalaman ng mga kuwentong kathang-isip na nagpapakita ng karakter, pangyayari, at mga lugar na hindi tunay o hindi nangyayari sa totoong buhay.
Piksyon (Fiction)
Isang uri ng panitikan na akdang may katotohanan ay hango sa tunay na pangyayari sa buhay.
Di Piksyon (Non-fiction)
Magbigay ng halimbawa ng panitikang di piksyon
Kasaysayan, Biograpiya, Agham, Auto-Biograpiya
Dalawang Uri ng Panitikan
Piksyon at Di Piksyon
Mga anyo ng panitikan
- Tuluyan o Prosa
- Tula o Panulaan
Anyo ng panitikan kung ito’y nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at patalatang paraan. Ito’y hindi ritmo. Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng mga kaisipan kwento, sanaysay, at iba pa.
Tuluyan o Prosa
Ito ay pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma. Binubuo ito ng saknong at taludtod na may sukat at tugma na maaari rin namang wala.
Tula o Panulaan
Anu-ano ang mga halimbawa ng akdang tuluyan
- Nobela
- Maikling kwento
- Dula
- Alamat
- Pabula
- Parabula
- Anekdota
- Sanaysay
- Talambuhay
- Balita
- Talumpati
Isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw na binubuo ng mga kabanata.
Nobela
Salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impression.
Maikling kwento
MAIKLING KWENTO: Nagbibigay diin sa katauhan o personalidad.
Pangkatauhan
MAIKLING KWENTO: Ito ay nagbibigay diin sa pagkawing-kawing ng mga pangyayari sa katha.
Makabanghay
MAIKLING KWENTO: Ito ay kwentong nakatuon sa tagpuan at atmospera ng akda.
Pangkapaligiran
MAIKLING KWENTO: Kung ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang panlabas, at kakayahang pampook ng isang lugar o komunidad.
Pangkatutubong kulay
MAIKLING KWENTO: Kung ang binibigyang diin sa katha ay ang kaisipan o ang makabuluhang-diwang taglay.
Pangkaisipan
MAIKLING KWENTO: Kung ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag iisip ng pangunahing tauhan.
Sikolohikal
Isang uri ng panitikan (akdang tuluyan) na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan. Karaniwang nahahati sa tatlo o higit pang yugto bagama’t marami rin ang isahang yugto lamang.
Dula
Mga uri ng maikling kwento.
- Pangkatauhan
- Makabanghay
- Pangkapaligiran
- Pangkatutubong kulay
- Pangkaisipan
- Sikolohikal
Mga uri ng Dula
- Komedya
- Trahedya
- Melodrama
DULA: Kung ang paksa ay katawa-tawa
Komedya
DULA: Kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing tauhan at madalas natatapos sa kanyang kamatayan.
Trahedya
DULA: Kung ang paksa ay tumutukoy sa kalungkutan at paghihirap ng pangunahing tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay.
Melodrama
Mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng bagay-bagay. Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil sa ito’y mga likhang isip lamang ng ating mga ninunong sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Alamat
Ito ay akda kung saan ang mga tauhan ay mga hayop.
Pabula
Mga kwentong hango sa banal na kasulatan na siyang kapupulutan ng aral na kapaki-pakinabang sa buhay.
Parabula
Maikling sanaysay na may layuning umaliw o magbigay aral sa mga mambabasa.
Anekdota
Isang pagpapahayag ng mga kuro-kuro o opinyon ng isang may-akda hinggil sa suliranin o paksa.
Sanaysay
Kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Talambuhay
Paglalahad ng pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakasan, at pinilakang tabing.
Balita
Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Nauuri sa iba’t layunin; humikayat, magbigay impormasyon, magpaliwanag, mangatuwiran, maglahad ng opinyon, o paniniwala, o manlibang.
Talumpati
Mga Akdang Patula
- Tulang pasalaysay
- Tulang padamdamin o liriko
- Tulang padula
- Tulang patnigan
Kuwento ng mga pangyayari at nasusulat ng patula na may sukat at tugma.
Tulang pasalaysay
Dalawang uri ng Tulang Pasalaysay
Epiko at Awit/Korido
TULANG PASALAYSAY: Tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tauhan laban sa mga kaaway na kadalasan ay makababalaghan at di kapani-paniwala.
Epiko
TULANG PASALAYSAY: Tulang pasalaysay na paawit kung basahin.
Awit o Korido
Mga tulang marubdon o damdamin
Tulang pandamdamin
TULANG PANDAMDAMIN: Tulang may 14 na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa.
Soneto
Mga Tulang Pandamdamin o Liriko
- Soneto
- Elehiya
- Dalit
- Pastoral
- Oda
- Awiting bayan
TULANG PADAMDAMIN: Tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
Elehiya
TULANG PADAMDAMIN: Isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng 8 pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugma.
Dalit
TULANG PANDAMDAMIN: Mula sa salitang “pastor”. Ito ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol, ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag ibig at iba pa.
Pastoral
TULANG PANDAMDAMIN: Karaniwang isang liriko o isang uri ng tulang awitin na nakasulat bilang papuri o dedikasyon para sa isang tao o isang bagay na nakakakuha ng interes o pagtuon ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa mismong ______.
Oda
Mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan. Maaaring mauri sa senakulo, panunuluyan, parsa, at saynete.
Tulang padula
Isang uri ng pagtatalang patula na ginagamitan ng pangangatwiran at matalas na pag iisip. Ito rin ay mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan.
Tulang Patnigan