PAGPAG L1 Flashcards
Pagpili ng paksa
Isa sa pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng pananaliksik.
Pagpili ng paksa
Madalas mga ___ at ___ ang pinili ng mga mananaliksik dahil ang mga ito ang laging nakikita sa kapaligiran at sa iba’t ibang uri ng medya.
paksang palasak o lagi
nang ginagamit
Ito ay bahagi na ng buhay ng tao. Sa marami, ito ang unang tinitingnan paggising sa umaga at huling sinisilip bago matulog sa gabi.
Internet at Social Media
Napakaraming impormasyon ng internet at kung magiging mapanuri ka ay baka nariyan lang at naghihintay ang isang kakaiba at bagong paksang maaari mong gamitin para sa iyong pananaliksik.
Internet at Social Media
Ito ay isa pang uri ng media na
laganap lalo na sa panahon ng
cable at digital television.
Telebisyon
Pumunta ka sa aklatan at ilatag ang
iba’t ibang diyaryo sa isang mesa. Mula
sa mga ito’y pag-ukulan ng pansin ang
mga nangungunang balita, maging ang
mga opinyon, editoryal, at mga artikulo.
Diyaryo at Magasin
Kung magiging mapanuri ka ay
maaaring may mga pangyayari o mga
bagong kalakaran sa paligid na
mapagtutuunan mo ng pansin at
maaaring maging paksa ng iyong
pananaliksik.
Mga pangyayari sa iyong paligid
Baka may mga tanong kang
naghahanap ng kasagutan
subalit hindi mo naman basta
maihanap ng kasagutan.
Sa Sarili
malalimang pagtatalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
Sulating Pananaliksik
Ayon kina ___, ang pananaliksik
ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa
mga ideya, konsepto,
bagay,tao, isyu at iba pang
ibig bigyang-linaw, patunayan
o pasubalian.
Constantino at
Zafra (2010)
Ayon naman kay ____, ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin:
isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya.
Pangalawa, mula sa pananaliksik ay
malalaman o mababatid ang
katotohanan sa teoryang ito.
Pangatlo,isinasagawa ang pananaliksik
upang makuha ang kasagutan sa mga
makaagham na problema o suliranin.
Galero-Tejero
(2011),
Unang Layunin sa pananaliksik ni Galero Tejero
isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya.
Ikalawang Layunin sa pananaliksik ni Galero Tejero
mula sa pananaliksik ay
malalaman o mababatid ang
katotohanan sa teoryang ito.
Ikatlong Layunin sa pananaliksik ni Galero Tejero
isinasagawa ang pananaliksik
upang makuha ang kasagutan sa mga
makaagham na problema o suliranin.
ay isang sistematikong proseso ng
pangangalap, pag-aanalisa, at
pagbibigay – kahulugan sa mga datos
mula sa mga mapagkakatiwalaang
mapagkunan ng impormasyon upang
masagot ang isang tanong, upang
makadagdag sa umiiral na kaalaman,
o pareho.
PANANALIKSIK