Pagbasa Flashcards
Kompleks, dinamikong proseso ng pagdadala ng mensahe sa teksto at pagkuha ng kahulugan mula sa teksto
Pagbasa
Integratibong proseso ng pagsasanip ng apektibo, perseptwal, at kognitibong domeyn
Pagbasa
Tatlong domeyn sa pagbasa:
Apektibo (emosyon), perseptwal, at kognitibo
Ayon kay Goodman, ang pagbabasa ay isang
“psycholinguistic guessing game”
Ayon sa kanya, kailangan na ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto at kasanayan sa pagpoproseso ng impormasyon.
Coady
Ayon sa kanila, ang pagbasa ay kompleks, daynamikong proseso ng pagdadala ng mensahe sa teksto at pagkuha ng kahulugan mula sa teksto; integratibong proseso ng pagsanip ng tatlong domeyn.
Rubin at Bernhardt
Siya ay tinaguriang ama ng pagbasa.
William S. Gray
Mga layunin sa pagbasa:
- Upang maaliw;
- tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito sa kaisipan;
- mabatid ang iba pang mga karanasan na mapupulutan ng aral;
- mapaglakbay ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap mapuntahan;
- mapag-aralan ang kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa ating kultura
Apat na hakbang ng pagbasa:
- Pagkilala o persepsyon,
- pag-unawa o komprehensyon,
- reaksyon,
- asimilasyon at integrasyon
Ito ay ang kakayahan ng bumabasa na mabigkas ang mga salitang tinutunghayan at makilala ang mga simbolong nakalimbag.
Pagkilala
Bigyang kahulugan at interpretasyon ang kaisipang ipinapahayag ng simbulong nakalimbag; nagaganap sa isipan
Pag-unawa
Maghatol o magsabi kung ay kawastuhan at kahusayan ang pagsulat
Reaksyon
Dalawang uri ng reaksyon ayon kina Aban at Cruz:
Intelektwal at emosyonal
Isabuhay ang natutuhang kaisipan sa binasa; naiuugnay ang kasalukuyang karanasan sa nakaraan na tinalakay sa binasa
Asimilasyon at integrasyon
Mga hakbang sa pagbasa ayon kay William S. Gray:
- Pagkilala
- Pag-unawa
- Reaksyon
- Asimilasyon at Integrasyon