Mga Teoryang Pampanitikan Flashcards
Maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan
Klasismo
Ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; binibigyang-tugon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao (talento, talino, atbp.)
Humanismo
Gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin, at iba pang nais ibabahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita
Imahismo
Ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan; hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
Realismo
Magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambaae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan
Feminismo
Ipakita ang mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo; ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakita ng may-akda sa mga mambabasa
Arkitaypal
Iparating sa mga mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan; walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-uunawa
Formalismo/formalistiko
Ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik sa pagbuo ng naturang behavior
Sikolohikal/saykolohikal
Ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyag pananatili sa mundo (human existence)
Eksistensiyalismo
Ipinamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa, at mundong kinalakihan
Romantisismo
Ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhay sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning o kalagayang panlipunan at pampulitika
Markismo/marxismo
Ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda; pamamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan
Sosyolohikal
Ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao; mga proposiya o pilosopiyang nagsasaad ng pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali
Moralistiko
Ipamalas ang karanasan o kasaysayan sa buhay ng may-akda; mga bahagi na siyang pinakamasaya, pinakamahirap, atbp.
Bayograpikal
Iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual at parte ng LGBTQIA+
Queer