MODULE 5 Flashcards
ito ang kaagapay na disiplina ng pangyayaring ito upang praktikal na maisakatuparan ang mga tuklas ng tao.
teknolohiya
ang unang nakikinabang sa teknolohiya
komunikasyon
pagbabago ng estilo ng komunikasyon mula sa paggamit ng mga tambol hanggang sa paggamit ng transportasyon para sa komunikasyon
telecommunication revolution
ito ang nagdudulot ng malaking impak sa teknolohiya ng komunikasyon lalo na nang maipakilala ang telegraph noong dekada 40 ng siglo 19.
telecommunication revolution
hindi naging praktikal sa pangkaraniwang pamumuhay ng tao ang ganitong sistema, ngunit ang tuklas na ito ang nagbunsod sa iba‟t ibang modipikasyon at pagbabago ng teknolohiya ng komuniksayon.
morse code (1844)
sino ang umimbento ng telepono
alexander graham bell (1875)
ito ang nabuo noong 1960
telecommunication satellite na isang balloon
unang satellite sa kalawakan
ito ang naging dahilan upang maging posible ang komunikasyon ng tao sa bawat panig ng mundo
telstar
isang sistema ng komunikasyon na ginamit ayon
sa kanilang pangangailangan upang maging posible ang palitan ng ipormasyon mula sa iba‟t ibang panig ng lugar
ARPAnet
sino ang lumikha ng ARPAnet
Department of Defense ng gobyerno ng Amerika
Ang teknolohiyng ito ay lumaganap at lumago sa isang kamangha-manghang bilis
internet
dito nagmula ang salitang internet
interconnected network
isang komunidad, isang sosyo teknikal na sistema ng komunidad na ang mga miyembro ay pinag-uugnay ng teknolohiya
internet
ano ang tatlong kategorya na nagpapakita ng gamit ng internet sa tao
(k2i)
komunikasyon
interaksyon
impormasyon
tawag sa kasulatan sa ibang bansa.
penpal
ngayon, ang pakikipagkaibigan saan mang panig
ng mundo na nararating ng internet ay posibleng-posible sa isang mabilis at maginhawang paraan.
Ang isang kapamilyang inilayo ng pagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi na rin gaanong magkakaproblema sa homesickness sa tulong ng
internet.
komunikasyon
Ang paglalaro ng tinawag na online games ang karaniwang kinalolokohan lalo na ng mga bata at
kabataan. Ito ay maaring sa pagitan ng gumagamit at ng kompyuter, sa ganitong kaso ang programang nasa loob ng utak ng kompyuter ang nagdidikta sa pagkapanalo o pagkatalo ng isang naglalaro.
interaksyon
Isang mahalagang naidudulot ng internet ay madali
itong kunan ng anomang impormasyon. ang internet ay isang point and Click library, kung saan maaring
makuha ang maraming impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa sa pamamagitan lamang ng ilang pindot ng mouse.
impormasyon
anong mga bansa (or continent) ang kabilang sa top 7 na gumagamit ng internet
(aelanmo)
asia (40.7%)
europe (17.9%)
latin america (10.4%)
africa (10.0%)
north america (8.2%)
middle east (3.8%)
oceania/australia (0.7%)
anong puwesto ng pilipinas sa may pinakamaraming bilang ng gumagamit ng internet sa buong mundo
ika-14
ito ang naging daan sa ibang mga organisasyon na mag-establish ng koneksyon ng internet upang bumuo ng website at magkaroon ng sariling serbisyong pang-internet o maglaan ng serbisyong pang-internet sa iba.
Public Telecommunication Act of the Philippines
ano ang mga dahilan kung bakit nahahadlangan ang paglago ng internet sa pilipinas
(3)
-di-pantay na distribusyon ng imprastruktura ng internet sa buong Pilipinas
-halaga
-korupsyon ng gobyerno
ilang porsyento ng populasyon ng bansa ang may akses sa internet
58% (60 million)
anong bansa ang nangunguna sa listahan ng may pinakamataas na porsyento ng may akses sa internet
usa (99%)
ang bansang ito ang itinuturing na least active sa social media na may average lamang na 40 minuto kada araw.
japan
ano ang mga katangian ng wika sa internet (5)
(PaDaMiHIDi)
- pagtatambal o pagsasama ng mga salita
- daglat at akronim
- minimal na paggamit ng malalaking letra
- hindi pagpansin sa istandard na ispeling ng salita
- di gaanong paggamit ng tradisyunal o pormal na pagbati pambukas
ito ay isang salik na nagpapabago ng anyo ng wika
makabagong teknolohiya
anu-ano ang mga terminong ginagamit upang ilarawan ang wika ng internet
(WNETWGN)
Weblish
netlingo
e-talk
tech-speak
wiredstyle
greekspeak
net speak
ano ang dalawang uri ng wika sa internet
pasulat at oral
ano ang mga katangian ng pasulat na wika
(gogld)
graphic features
ortographic o graphological features
grammatical features
lexical features
discourse features
Ito ay pangkalahatang presentasyon at organisasyon ng pasulat na wika. Tinutukoy rito ang pagbubuo o pagsasayos upang ilimbag (typhography), disenyo ng pahina, agwat ng bawat linya, paggamit ng mga
ilustrasyon at kulay.
graphic features
Ang sistemang pasulat ng isang partikular na wika. Ang mga gamit ng alphabeto, malaking titik, ispeling mga tanda, at paraan ng pagbibigay-diin ay mga paktor sa katangiang ito.
Ortographic o graphological features
Ang sistemang pangwika tulad ng sintaks at morpolohiya ang tinutukoy rito. Kabilang dito ang
pagbubuo ng pangngusap, pagbubuo ng salita at pagbabago ng anyo ng salita.
Grammatical features.
Ang bokabularyo ng wika. Tulad ng leksiyon o paggamit ng idyoma sa ibang pagkakataon.
Lexical features
Ang estruktural na pagsasaayos ng buong teksto kabilang ang kalinawan, kaugnayan ng mga diwa, pagtatalata at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga
kaisipan.
Discourse features
ano ang mga katangian ng oral na wika
phonetic features
phonological features
Ang katangian ng boses sa pangkalahatan tulad ng kalidad, rehistro at kaparaanan ng boses ayon sa kinakilangan ng pagkakataon. Magkaibang
halimbawa ang paraan ng pagsasalita sa isang
nagtatalumpati sa isang guro bagamat maaring pareho ng sinasabi.
Phonetic features
Ang sistema ng tunog ng isang wika kabilang ang mga ponema intonasyon, diin at hinto.
Phonological features
ano ang mga katangian ng eFIL
(PiPaAkPaPaPa)
pisikal
pagkakaltas
akronim o pagdadaglat
paggamit ng katunog na letra
pagsamasama ng dalawa o higit pang salita
paggamit ng tambilang
Maituturing na pasulat ang eFil sa mga porum dahil sa mga letra o grapiko na nababasa at nakikita, subalit ang tono ng komunikasyon nito ay oral o sa paraang tila nag-uusap.
pisikal
Nangungunang paraan ng pagpapaikli ng mga
salita sa porum ay ang pagkakaltas ng letra o mga letra sa pagsulat ng salita.
pagkakaltas
Isang paraan din na nagpapadali sa pagsulat ay ang paggamit nito.
karaniwang ginagamit lamang ang unang titik ng salita
akronim o pagdadaglat
ito ay isa sa mga katangian ng eFIL kung saan ginagamit ang isang katunog na letra upang mapaikli ang isang salita
paggamit ng katunog na letra
nagkakaltas ng letra upang maipagsama ang dalawang salita
pagsasama ng dalawa o higit pang salita
ginagamit din sa pagpapaikli ng pagsulat ng mga salita sa porum kung saan gumagamit ng mga numero/bilang
paggamit ng tambilang
ano ang mga uri ng tambilang
(KaKaPaPa)
kardinal
katunog
pag-uulit ng salita
pag-uulit ng pantig
upang tukuyin ang bilang o kung ilan ang binabanggit,
gumagamit ng tambilang sa mga post sa halip na baybayin ang buong salita tulad ng 2 para sa dalawa. 1 para sa isa o nkk-3 para sa nakakatatlo.
kardinal
ang tambilang na 2 ay karaniwang ginagamit bilang
katumbas ng katunog nitong /tu/ o/to/ sa mga salita tulad ng 22o(totoo), andi2 (andito), gus2 (gusto), i2 (ito), gani2 (ganito) at iba pa.
katunog
Isinusulat ang tambilang na 2 matapos ang salitang dapat uulitin, minsan ay sinusundan din ito ng simbolong x (times o beses). Halimbawa nito ay
ganun2x (ganun-ganun), muang2 (muang-muang) at isip2x (isip-isip).
pag-uulit ng salita
ginagamit rin ang tambilang partikular na ang 2 matapos ang pantig na uulitin, tulad halimbawa ng nagsa2ma (nagsasama) at nani2wala (naniniwala).
pag-uulit ng pantig
Pagsulat ito o pagbaybay sa mabilis na paraan dahil kinakailangan ng sitwasyon
text speak
ano ang mga gamit ng wikang filipino sa internet
- gamit ang filipino sa pagcha-chat
- gamit ang filipino sa pagbasa ng mga akdang pampanitikan na nasa tagalog o filipino sa internet
- ginagamit din ang Filipino sa Pagbabasa ng mga titik ng ilang awiting Tagalog, cookbook at resipe na nakasulat sa Tagalog
- ginagamit din ang Filipino sa mataas na antas ng
intelektuwalisasyon katulad ng pagbasa ng mga rebyu ng pelikula at mga bata sa pahayagang online.
ano ang mga uri ng wikang filipino sa internet
- Ang wikang Filipino sa mga website
- Ang wikang Filipino sa mga online magazine
- Ang wikang Filipino sa mga online advertisement
- Ang Filipino sa blog
- Ang Filipino sa porum
- Ang Filipino sa chat
Ang mga website na pinoyweekly.com, www.gmanewstv, www.pinoyshowbiz.com ay
ilan sa mga website na gumagamit ng wikang Filipino sa mga tampok na balita o artikulo tungkol sa iba‟t ibang paksa. Katulad ng rmn NETWORKS (http://www.rmn.ph/)
Ang wikang Filipino sa mga website
Ang uri ng Filipinong makikita rito ay katulad din ng wikang ginagamit sa mga magasin at pahayagan ng bansa.
Ang wikang Filipino sa mga online magazine
Maging sa mga patalastas o advertisement ng produkto o serbisyo na makikita sa internet ay ginagamit ang wikang Filipino, ang mga tinatawag na online stores o tindahang online ay madalas na
nakikita sa internet
Ang wikang Filipino sa mga online advertisement
Masasabing malapit sa pagiging pasulat na wika
ang efil sa mga blog dahil paggamit nito ng mga grapiko, tinatakdaan ng espasyo, mabagal na interaksyon at bihirang paglabag sa tuntuning panggramatika.
Ang Filipino sa blog
Limang paraan nakitang ginagamit sa pagpapaikli ng mga salita sa kanilang post sa mga porum, ito ay
ang pagkakaltas, paggamit ng akronim o pagdadaglat,
pagsasama, paggamit ng katunog na letra, paggamit ng
malalaking titik sa mga simula ng pangungusap sa porum ang hindi nagsisimula sa malaking titik marahil ay para sa pagbibigay ng diin sa sinasabi.
Ang Filipino sa porum
Kadalasan sa mga terminolohiya sa chat ay daglat o pagpapaikli ng mga salita o parirala. Ito ay sa dahilang mas kinakailangan ang mabilis na paghahatid ng
mensahe kaysa sa tamang baybay ng salita.
Ang Filipino sa chat
komunikasyong nagaganap sa pagitan ng tao at kompyuter, inaalam dito kung paanong nagbago (kung
nagbabago nga) ang ugali ng tao sapakikipagtalastasan gamit ang kompyuter bilang midyum at internet.
computer-mediated communication (cmc)
ano ang mga katangiang taglay ng komnet
pocket-switching
multimedia
interactivity
synchronicity
hypertextuality
May kinalaman ito sa teknikalidad ng pagsasalin sa
mga data (packet) sa network, ang proseso kung paanong ang datos mula sa isang kompyuter ay naisasalin sa iba pang kompyuter na nakakabit sa
internet.
pocket-switching
Ang pagsasama-sama ng teksto, larawan, tunog at video ay isanng litaw na katangian ng komnet.
multimedia
Hindi dalawa o maliit na grupo lamang ang nasasakop ng komnet. Posible sa ganitong uri ng komunikasyon ang interaksyon ang napakalaking grupo ng tao.
interactivity
Nilalampasan ng komnet hindi lamang ang agwat o distansya kundi maging ang panahon o oras. Maaring maganap ng sabay ang komunikasyon sa magkabilang panig.
synchronicity
Maaring basahin ang teksto kung saan ibig simulan ang pagbabasa. Bukod pa rito maari rin sa komnet ang mga tekstong nakapaloob sa tekstong ikinakabit sa pamamagitan ng tinatawag na link kung ibig na itong bashin.
hypertextuality
ito ang ikalawang kategorya ng komnet
Ito ang komunikasyong may patlang na panahon.
asynchronous