MODULE 2 Flashcards
ito ang pinakasusing sangkap sa komunikasyon ng tao at pangunahing elemento ng pagsasalin
wika
ito ang orihinal na lenggwahe/mother tongue ng isang indibidwal
SIMULAING LENGGWAHE (SL)
ito ang wikang pagsasalinan ng isang salita
TUNGUHANG LENGGWAHE (TL)
ano ang mga dapat tandaan sa tuwing magsasalin
Isaalang-alang ang wika upang mas maging epektibo ang gawaing pagsasalin
bigyang-pansin na kakabit ng isang wika ang kultura ng mga taong nagsasalita nito.
(wika at kultura)
ano ang laman ng Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
“Ang wikang pambansa sa Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.”
ano ang laman ng Konstitusyon ng 1987, Seksyon 7
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.”
isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa, kalapit na katumbas na diwa na gamit ang ibang wika ayon kay
paglalahad sa tumatanggap ng wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng simulang wika, Una ay sa kahulugan at Pangalawa ay sa estilo ayon kay
pagsasalin
ayon sa kanya ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa, kalapit na katumbas na diwa na gamit ang ibang wika ayon kay
Griarte, 2014
ayon sa kanya ang pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap ng wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng simulang wika, Una ay sa kahulugan at Pangalawa ay sa estilo ayon kay
Eugene Nida, 1964
ano ang dapat isaalang-alang kung nagsasalin ng wika
diwa o konteksto at ang balarila o gramatika ng dawalang wika (SL at TL)
paglilipat ng isang akda sa pinakamalapit na
diwa mula sa simulaing lengguwahe (source text) patungo sa tunguhang lengguwahe (target text)
pagsasalin
ano ang katangian ng isang tagasalin
may kaalaman sa simulaang lengguwahe at mas may sapat na kaalaman sa tunguhang lengguwahe
ayon sa kanya, ang pagsasalin ay isang gawaing
binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika.
Peter Newmark
ayon sa kanya, ang pagsasalin ay muling paglalahad sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng mensaheng katulad ng simulaang wika ngunit
gumagamit ng piling mga tuntuning panggramatika at mga salita ng tumatanggap na wika.
Mildred Larson
ayon sa kanya, ang pagsasalin ay alikhain at
mahabang proseso ng pagkilala at pag-unawa sa mga kahulugang taglay ng isang wika, at ang malikhain at mahabang proseso ng paglilipat ng mga ito sa kinilala at inunawang mga kahulugan ng isa pang wika.
Benilda Santos
ayon sa kanya, ang pagsasalin ay maihahalintulad sa pagsasalin ng isang basong tubig sa ibang baso. Sa pagsasalin ng tubig, hindi lahat naisasalin, ang basong
pinaggalingan ng tubig ay nanatiling basa, isang patunay na hindi lahat ng laman ng baso ay naisalin. Sa pagsasalin ng tubig, ang elemento nito ay maari ring maapektuhan ng mga sangkap sa hangin.
Alfonso Santiago
ilahad ang kabuuang kahulugan ng pagsasalin
ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mensahe sa pinakamalapit na kahulugan ng simulating lenggwahe tungo sa patunguhang lenggwahe.
sino ang kinikilalang unang tagasaling-wika sa europa
Andronicus (isang Griyego)
ano ang isinalin ni Andronicus
isinalin niya nang patula sa Latin ang Odyssey ni Homer
saan nakaabot ang isang pangkat ng mga iskolar sa Syria sa pagsasalin sa Arabic ng mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galen, etc.?
Baghdad (Iraq)
kailan pinaniniwalaang nagsimula ang pagsasalin ng Bibiliya
ikalabindalawang siglo (12th century??)
kaninong salin ang pinakakilala sa wikang Aleman
Martin Luther (1483-1646)
anong wika pinakakilala ang salin ni Martin Luther
Aleman
kaninong panahon nagsimula ang pagsasaling wika sa Inglatera
unang Elizabeth
anong pambansang diwang nangingibabaw sa panahon ni Elizabeth I
pakikipagsapalaran at pananampalataya
wika ng kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan ng bibliya
Aramaic
salin ni Origen sa bibliya noong ikatlong siglo na nakilala sa Septuagint
Griyego
salin ni Jerome sa bibliya noong ikaapat na siglo
Latin
kauna-unahang nagsalin ng Bibliya sa wikang
Ingles noong ikalabing – apat na siglo
John Wycliffe
mahahalagang pangyayari sa Unang Yugto ng Kasiglahan
-nagsimulang magkaanyo ang pagsasaling-wika sa Pilipinas noong panahon ng mga Kastila kaakibat ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo
-hindi ito naging kongkreto sapagkat hindi konsistent ang Pamahalaang Espanya sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Indio
-wikang katutubo ang ginagamit nila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
mahahalagang pangyayari sa Ikalawang Yugto ng Kasiglahan
-nagpatuloy ang pagsasalin ng mga akdang Kastila sa wikang pambansa, pati na rin ng mga akdang nakasulat sa Ingles
-kalimitang itinatanghal sa mga teatro ang mga akdang nasalin bilang libangan ng mga tao
-dumami rin ang mga pagsasalin sa iba’t-ibang genre ng panitikan sapagkat dumami ito noong Panahon ng Amerikano
mahahalagang pangyayari sa Ikatlong Yugto ng Kasiglahan
-nagsimula sa panahong ito ang pagsasalin sa Filipino (mula Ingles) ng mga materyales pampaaralan gaya ng aklat, patnubay, sanggunian, gramatika, atbp. bilang resulta ng pagpapatupad sa Patakarang Bilinggwal sa sistema ng edukasuon
-ayon sa kautusan, mas maraming kurso ang ituturo sa Filipino kaysa sa Ingles
mahahalagang pangyayari sa Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan
-dito nagsimulang isalina ng mga katutubong panitikang di-Tagalog
ano ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na isinagawa ng LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary Language Teacher Education ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong na pinansyal ng Ford Foundation.
Mabanaggit (unsa ni wala ko kabalo)
mahahalagang pangyayari sa Ikalimang Yugto ng Kasiglahan
-pinondohan ng Toyota Foundation ang isang proyekto hinggil sa pagsasalin ng mga piling panitikan ng ating mga kalapit-bansa
-patuloy ang pagsasalin ng mga banyagang akda sa larangan ng drama (Rolando Tinio at Behn Cervantes)
-Komisyon sa Wikang Filipino ang kinikilala at nangungunang ahensya sa larangan ng pagsasalin
kahalagahan ng pagsasalin
-nakatutulong sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa isang lugar at ibat-ibang lengguwahe
-nagkakaroon tayo ng kaalaman sa kasaysayan at kultura ng pinagmulan na lengguwahe ng isang akda sapagkat kailangan itong isaalang alang upang wasto ang pagkakasalin sa wika
-nagkakaroon ng pagkakaunawaan at interaksiyon ang dalawang wika
-nagagamit ang pagsalin sa pagbuo ng panibagong interaksyon sa pagitan ng magkaibang lugar
sino ang sumulat ng Toward a Science of Translating
Eugene Nida (1964)
sino ang sumulat ng The Art of Translation
Theodore Savory (1959)
sino ang sumulat ng Sining Pagsasalingwika
Alfonso O. Santiago
siya ang naniniwala na isang sining ang pagsasalin
Theodore Savory (1959)
ano ang mga katangian ng isang tagasalin
- Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
- Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
- Sapat na kakakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
- Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
- Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin