MODULE 1 Flashcards
komunikasyon sa pamamagitan ng palitan ng mga nakasulat na liham
KORESPONDENSIYA
Ipinaaalam natin sa ating mga kaibigan, kamag-anak, atb iba pang mahal sa buhay ang ating narararamdaman at iniiisip
PERSONAL NA KORESPONDENSIYA
Ang mga nasa opisina o nasa iba pang lugar ng pagtatrabaho ay nagsusulat din at tumatanggap sa kanilang araw-araw na transaksiyon
KORESPONDENSIYA OPISYAL (Business Correspondence)
Ano ang mga halimbawa ng Korespondensiya Opisyal
- liham na ipinadala ng kinatawan ng isang kompanya sa mga tagasuplay ng mga materyal na kakailanganin sa negosyo at ang tugon na liham na matatanggap ng opisina mula sa mga tagasuplay
- liham ng mga kliyenteng nagtatanong ng presyo, kalidad, at iba pang impormasyon tungkol sa produkto o serbisyo ng kompanya
- liham-pasasalamat, liham-imbitasyon at liham-panghihikayat
- memorandum o dokumentong kanraniwang mula sa pamunuan na nagsasaad ng mga paaalala, isyu sa orgnisayon , at aksiyong kailangang gawin, at iba pang bagay na may kinalaman sa organisasyon.
Ano ang kahalagahan ng Korespondensiya Opisyal
- Pagbabahagi at pagtanggap ng mahahalagang impormasyon
- Madali at epektibong paraan ng paghahatid ng impormasyon lalo na ngayong may teknolohiya na sa komunikasyong sumusuporta sa mabilis at mabisang paghahatid ng mensahe.
- Nakatutulong sa pagpapanatili ng ugnayan
- Lumikha at magpatatag ng ugnayan ng mga negosyante, empleyado, kliyente, at iba pang may interes sa organisasyon.
- Nagsisilbing permanenteng record at ebidensiya
- Nakatutulong sa paglago ng kompanya
Mga batas kaugnay sa Wikang Filipino at Korespondensiya Opisyal
Ang Konstitusyon ng 1987 ng Republika ng Pilipinas Artikulo XIV seksyon 6-9
Ano ang laman ng Article 14 Sec. 6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Dapat payabungin at pagyamanin
Dapat magsagwa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Ano ang laman ng Article 14 Sec. 7
ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon
Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic
Ano ang laman ng Article 14 Sec. 8
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehyon, Arabic, at Kastila.
Ano ang laman ng Article 14 Sec. 9
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa sa binubuo ng mga kinatawan ng iba‟t ibang rehiyon
dahilan kung bakit iilan lamang ang mapipili at maituturing na mahusay ang pagkakahanda na liham
KAKULANGAN NG BISA NG LIHAM
maging pormal at mabisa ang pagsulat at nangangailangan ito ng pagiging maayos ng ideyang nais ipahatid sa sinusulatan.
LIHAM PANTANGGAPAN
Ano ang mga katangian ng liham
- Malinaw (Clear)
- Wasto (Correct)
- Buo (Complete)
- Magalang (Courteous)
- Maikli (Concise)
- Kumbersasyonal (Conversational)
- Mapagsaalang-alang (Considerate)
o hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad na ipabatid sa liham
o Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideyang ipapaloob
o suriin kung mahusay ang pagkakapahayag ng bawat ideya
o Hindi dapat maging mahaba o maligoy ang liham
o Epektibo ang maikling pangungusap
o Tandaan na ang kasimplihan ay daan sa madaling pag-unawa.
Malinaw (Clear)
o ano mang liham na nangangailangan ng katugunan ay dapat magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon
o Bago sumulat, dapat alamin ang mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang priyoridad
o Tiyaking wasto ang bawat pahayag o sasabihin
o Ang wastong pagpapahayag, pagbaybay, at balarila ay napakapundamental sa kapuri-puring pagsulat ng liham
o Mahalaga ring isaalang-alang ang tamang pagbabantas.
Wasto (Correct)
o Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon.
o dapat na unang-unang nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham ng sumulat upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinulatan
Buo (Complete)