Module 4: Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Unang Bahagi) at (Ikalawang Bahagi) Flashcards
Anong Teorya ito:
Dr. Henry Otley Beyer – pinaniniwalaang may tatlong pangkat ng mga tao ang unang dumating sa Pilipinas, ito ay ang mga Negrito, Indones, at Malay.
Teorya ng Pandarayuhan
- Natagpuan ng mga Arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas sa pangunguna ni Dr. Robert B. Fox ang isang bungo at buto ng panga sa Palawan noong 1962.
- Pinatunayan ni Felipe Landa Jocano na ang bungong natagpuan sa Tabon ay ang mga unang lahi ng mga Pilipino.
Taong Tabon
- Ito ang unang paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino sa kalakhang Luzon. Nang matuklasan ito ng mga Kastila, tinawag nila itong alibata na nagmula sa salitang “alif ba ta” na katawagan sa alpabeto ng mga arabo.
- Binubuo ito ng labimpitong (17) titik. Mayroon itong tatlong patinig at labing-apat (14) na katinig.
- Ang D at R ay nagpapalitan sa unang bersyon ng baybayin ngunit nagkaroon ito ng panibagong bersyon kung saan mayroon ng R sa baybayin
Baybayin
Panahon ng mga Kastila: Kailan dumating ang mga Kastila sa Pilipinas?
1521
Panahon ng mga Kastila: Ano ang layunin ng mga Kastila sa pananakop?
Mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga unang Pilipino.
Panahon ng mga Kastila: Ano ang inaral ng mga prayle upang maging mabilis ang kanilang pananakop?
Ang mga wika sa Pilipinas
Panahon ng mga Kastila: Sino ang unang gobernador-heneral noong 1565?
Miguel Lopez de Legaspi
Panahon ng mga Kastila: Sino ang nagpangalang Felipinas sa bansa bilang parangal kay Don Felipe ng Espanya?
Ruy Lopez de Villalobos
- Kasama sa kurikulum ang pagtuturo ng wika at ortograpiyang Espanyol.
- Kapag bihasa na ang mga mag-aaral, ang talakayan ay gagawin na sa wikang Espanyol.
- Ang guro na hindi tutupad sa probisyong ito ay magmumulta ng diez pesos unang paglabag at sususpindehin naman sa loob ng 15 hanggang 60 na araw sa ikalawang paglabag.
- Ipinagbabawal din ang pakikipag-usap sa sariling wika sa oras ng klase.
Ang mga Probisyon sa Iminungkahing Sistemang Pang-Edukasyon
Bakit ayaw ituro ng mga prayle ang wikang Espanyol sa mga Pilipino?
Dahil iniisip nila na kapag natuto ang mga Pilipino, hindi na nila magagawa ang kanilang nais, lalo na ang pagmamanipula sa masa. Kaya naman, nanatili ang paggamit ng wikang lokal sa mga mababang paaralan.
Ang Wikang Tagalog at ang Himagsikan: Bakit mas lalong umusbong ang panitikan sa Pilipinas?
Dahil sa patuloy na hindi pagtuturo ng mga Kastila, partikular ng mga prayle sa mga Pilipino, at sa kagustuhan ng mga Pilipino na matuto. Ang kadalasang wika na ginagamit sa mga lokal na panitikan ay ang katutubong wika ng mga Pilipino, partikular ang Tagalog.
Ang Wikang Tagalog at ang Himagsikan: Ano ang lumaganap bilang produkto ng unti-unting pagkamulat ng mga Pilipino sa katotohanan at kagustuhan na lumaya?
Kaisipang Makabayan
Ang Wikang Tagalog at ang Himagsikan: Ano ang pangalan ng tatlong paring martyr?
Mariano Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora
Ang Wikang Tagalog at ang Himagsikan: Sino ang nakasaksi sa kamatayan ng tatlong paring martyr na naging hudyat upang magsimulang magbaga ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan?
Jose Rizal
Ang Wikang Tagalog at ang Himagsikan: Ano ang wikang kadalasang ginamit ng La Solidaridad?
Espanyol. Lahat ng miyembro nito ay mga ilustradong nag-aral sa Espanya.
Ang Wikang Tagalog at ang Himagsikan: Ano naman ang wikang ginamit ng Katipunan sa kanilang mga akda?
Wikang Tagalog at iba pang mga wika sa Pilipinas.
Ang Wikang Tagalog at ang Himagsikan: Ano ang akdang isinulat ni Andres Bonifacio na naging dahilan upang lagpas sa 100 libong Pilipino ang sumapi sa Katipunan?
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
Ang Wikang Tagalog at ang Himagsikan: Anong taon itinatag bilang opisyal na wika ang Tagalog sa ilalim ng Konstitusyong Biak na Bato?
1899
Tama o Mali:
Edukasyon ang naging pangunahing kontribusyon ng mga Amerikano.
Tama