Module 1: Mga Konseptong Pangwika Flashcards
Ito ay mula sa salitang Latin na lingua na nangangahulugang “dila”, “wika” o “lengguwahe”.
Wika
Tama o Mali:
Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon. Ito ay mula sa pinagsama-samang makabuluhang simbolo at tuntunin. Ito ay nakabubuo ng mga salitang nakapagpapahayag ng iba’t ibang kahulugan o kaisipan. Ito ay parang sasakyan na ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mga mensahe sa isa’t-isa.
Tama
Sino ang nagsabi nito:
“Ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay pasulat na mga titik na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.”
Emmert at Donagby, 1981
Sino ang nagsabi nito:
“Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.”
Henry Gleason, 1988
Sino ang nagsabi nito:
“Ang wika ay sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon.”
Bloch at Trager, 1942; Peng, 2005
Sino ang nagsabi nito:
“Ang wika ay nagsisilbing impukan-hanguan at daluyan ng kultura.”
Salazar, 1996
Sino ang nagsabi nito:
“Ang wika ay midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan.”
Romeo Dizon
Sino ang nagsabi nito:
“Ang wika ay pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang mga instrumental at sentimental niyang pangangailangan.”
Constantino, 1996
Katangian ng Wika: Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang pagkakasunod-sunod ay makalilikha ng mga salita (morpema), na bumabagay sa iba pang mga salita (semantika), upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istruktura (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
Masistemang Balangkas
Katangian ng wika: Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.
Sinasalitang Tunog
Katangian ng wika: Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
Arbitraryo
Katangian ng wika: Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Pinipili at isinasaayos
Katangian ng wika: Buhay ang wika at patuloy na nagbabago, nadaragdagan, at nalilinang.
Buhay
Mga Katangian ng Sariling Wika: Maykapangyarihan ang ating wika na makabuo ng marami pang salita mula sa iisang salitang-ugat lamang. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalakip ng iba’t ibang panlapi at kumbinasyon ng mga salita.
Katagang nanganganak ng salita o Word Metamorphism
Mga Katangian ng Sariling Wika: Walang piping tunog sa ating wika. Bawat titik na bumubuo sa salita ay may tiyak at ispesipikong tunog o bigkas. Kung paano binigkas, ganoon din ang pagsulat, at kung paano nasusulat, ganoon din bibigkasin. (Ngunit hindi ito parating tama dahil may mga salita sa wikang Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas na kaiba ang sulat sa baybay)
Kung ano’ng bigkas, siyang baybay o Phonetic Simplicity