Module 2: Monolinggwalismo, Bilinggwalismo, at Multilinggwalismo/Mga Barayti ng Wika Flashcards
Kakayahan sa mga Wika :
- Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
- Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika at kinakatawan din ng L1.
Unang Wika
Kakayahan sa mga Wika: Habang lumalaki ang bata ay nae-expose siya sa iba pang mga wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro, at iba pa.
Pangalawang Wika
Kakayahan sa mga Wika: Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan.
Ikatlong Wika
Tawag sa pagpapatupad sa iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, France, South Korea, Japan, at iba pa, kung saan iisang wika lamang ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng asignatura.
Monolinggwalismo
Sino ang nagsabi nito: “Ang bilinggwalismo ay paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.”
Leonard Bloomfield
Sino ang nagsabi nito: “Ang bilinggwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsulat sa iba pang wika maliban sa kanyang unang wika.”
John Macnamara
Sino ang nagsabi nito: “Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilinggwalismo at ang taong gagamit ng wikang ito ay bilinggwal.”
Uriel Weinreich
Sino ang nagsabi nito: “yon sa kanya, ang probisyong ito sa Saligang Batas ang naging basehan ng Surian ng Wikang Pambansa na hilinging ipatupad sa Kalihim ng Edukasyon at Kultura ang patakarang bilingual instruction na pinagtibay ng Board of National Education (BNE) bago pa umiral ang Martial Law.”
Ponciano Pineda
Bilinggwalismo: Bumuo ng Presidential Commission to Surver Philippine Education (PCSPE) tungkol sa dapat maging katayuan ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan.
Executive Order no. 202
Bilinggwalismo: “Ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas unibersidad sa lahat ng paaralan, publiko o pribado man.”
Resolusyon Bilang 73-7 (Edukasyong Bilinggwal)
Bilinggwalismo:
- Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga wikang Pilipino at Ingles
- Ang pariralang edukasyong bilinggwal ay binigyang katuturan sa magkahiwalay na paggamit ng Pilipino pataas sa mga tiyak na asignatura.
Guidelines o mga Panuntunan sa Pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal sa Bansa (Department Order No. 25, s. 1974)
Ayon kay Leman (2014), ang mga tao ay maaaring matawag na _________ kung maalam sila sa pagsasalita ng dalawa o higit pang mga wika, anuman ang antas ng kakayahan.
Multilinggwal (Multilinggwalismo)
- Ipinatupad ng DepEd sa pamamagitan ng K to 12 curriculum ang paggamit ng unang wika bilang wikang panturo partikular sa kindergarten at Grade 1, 2, at 3.
- Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika niya ang gagamitin sa kanyang pag-aaral.
- Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila na mas mabisa ang unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral.
- Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto.
Mother Tongue Based - Multilingual Education (MTB-MLE)
Homogenous o Heterogenous na wika:
- Isang wika na may kakaunti o walang rehiyunal na baryasyon, tunog, o diyalekto.
- Tinuturing din itong wika na may mga salitang iisa ang baybay ngunit dahil sa pagkakaiba ng intonasyon o tunog, ay nagkakaroon ito ng ibang kahulugan.
Homogenous
Homogenous o Heterogenous na wika:
- Tinuturing na ‘di-pormal. Ito rin ay wika na kaugnay ng mga indibidwal at pangkat na namumuhay sa magkakaibang lugar na tinitirhan. Maaari ding magkakapareho ng interes, gawain, pinag-aralan.
- Pinaniniwalaan na dahil dito, maituturing ang wika na hindi lamang instrumento ng komunikasyon kundi isa ring mahalagang instrumento sa pagbuo ng isang sama-samang lakas ng makakaibang kultural at sosyal na gawain.
Heterogenous