Module 3: Gamit ng Wika sa Lipunan/Pinagmulan ng Wika Flashcards

1
Q

Tama o Mali:
Ang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan ng mga taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang bawat isa ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan.

A

Tama

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Sino ang naglahad ng pitong tungkulin ng wika?

A

Michael Alexander Kirkwood Halliday

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Tungkulin ng Wika: Gamit ng wika upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-usap sa iba lalo na kung may mga katanungan na kailangang sagutin; pagpapakita ng patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto; paggamit ng liham sa pangangalakal at iba pa.

A

Instrumental

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Tungkulin ng Wika: Tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao. Saklaw ng gamit na ito ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo kung saan matatagpuan ang isang partikular na lugar; direksyon sa pag-inom ng gamot at iba pa.

A

Regulatoryo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Tungkulin ng Wika: Makikita sa paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagtao; tungkol sa partikular na isyu; pagsasalaysay ng malungkot o masayang pangyayari; paggawa ng liham pangkaibigan at iba pa.

A

Interaksiyunal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Tungkulin ng Wika: Nakapagpapahayag ng sariling pala-palagay o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan o dyornal. Dito rin naipahahayag ang pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

A

Personal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Tungkulin ng Wika: Ang gamit na ito ay tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kabilang dito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong na kailangan sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo; panonood sa telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan at mga aklat.

A

Heuristiko

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Tungkulin ng Wika: Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng mga impormasyon sa paraang pasalita at pasulat. Kabilang dito ang ulat, pamanahong papel, tesis, disertasyon, panayam, at pagtuturo sa klase.

A

Impormatibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Tungkulin ng Wika: Tumutukoy ito sa malikhaing guniguni ng isang tao sa paraang pasalita o pasulat. Karaniwang mababasa ang imahinasyong nilikha ng isang tao sa mga akdang pampanitikan gaya ng tula, maikling kwento, dula, nobela, at sanaysay.

A

Imahinatibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Mga Paraan sa Paggamit ng Wika: Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.

A

Pagpapahayag ng damdamin o Emotive

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Mga Paraan sa Paggamit ng Wika: Upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.

A

Panghihikayat o Conative

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Mga Paraan sa Paggamit ng Wika: Upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.

A

Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan o Phatic

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Mga Paraan sa Paggamit ng Wika: Ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.

A

Paggamit bilang sanggunian o Referential

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Mga Paraan sa Paggamit ng Wika: Gamit ng wika sa paraan ng pagpapahayag ng mga komentaryo sa isang paksa katulad ng batas.

A

Paggamit ng kuro-kuro o Metalingual

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Mga Paraan sa Paggamit ng Wika: Masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

A

Patalinghaga o Poetic

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Teorya sa Pinagmulan ng Wika:
- Genesis 2:20
“At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop, at mga ibon sa himpapawid, at ang bawat ganid sa parang; datapwa’t sa lalaki ay walang nasumpungang maging katulong niya.

  • Genesis 11:1
    “At ang buong lupa ay iisa lamang ang wika at iisa ang salita.
A

Batay sa Bibliya

17
Q

Teorya sa Pinagmulan ng Wika: Batay sa istoryang ito sa bibliya ay iisa lamang ang wika ng mga tao. At dahil dito, naging madali ang pagkakaunawaan ng bawat isa kaya naisipan nilang magtayo ng isang tore na aabot hanggang sa kalangitan. Ngunit dahil nakita ng Diyos ang potensyal ng iisang wika at pagkakaisang nagagawa nito, binago niya ang wika ng bawat tao. At ito ang isa sa pinaniniwalaang pinagmulan ng wika.

A

Batay sa Teorya ng Tore ng Babel

18
Q

Teorya ng Ebolusyon:
- Ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan.

  • Sinasabing ang mga paggaya sa mga tunog ng kalikasan ay bunga ng kawalan ng kaalaman sa mga salita ng mga sinaunang tao.
A

Teoryang Ding-Dong

19
Q

Teorya ng Ebolusyon:
- Ang wika raw ay nagmula sa paggaya ng sinaunang tao sa mga tunog na nililikha ng mga hayop.

  • Pinaniniwalaang nabuo ng mga sinaunang tao ang kanilang mga unang salita sa panggagaya sa mga ito.
  • Sinasabi pang kagaya ng mga sanggol na nag-uumpisang magsalita, ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na kanilang naririnig.
A

Teoryang Bow-wow

20
Q

Teorya ng Ebolusyon: Ang wika ay nagmula raw sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang makaramdam sila ng masidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla.

A

Teoryang Pooh-pooh

21
Q

Teorya ng Ebolusyon:
- Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila.

  • Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita.
A

Teoryang Ta-ta

22
Q

Teorya ng Ebolusyon:
- Batay sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo na kapag nagtatrabaho nang magkakasama.

  • Ang mga tunog o himig na namumutawi sa bibig ng tao kapag sila ay nagtatrabaho nang sama-sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.
  • Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y pumupuwersa. Halimbawa, anong tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o sumisipa o kapag ang mga ina ay nanganganak?
A

Teoryang Yo-He-Ho

23
Q

Teorya ng Ebolusyon:
- Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag- ani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto.

  • Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at pagbigkas ng mga orasyon. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na kalauna’y nagbago-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
A

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

24
Q

Teorya ng Ebolusyon: Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa pamamagitan ng pagkumpas ng mga bahagi ng katawan na naglalabas ng tunog. Kaiba sa teoryang ta-ta na sa dila lamang, ang teoryang ito ay tumutukoy sa ugnayan ng mga salita at lahat ng bahagi ng katawan ng isang tao upang makapagpaabot ng mensahe na di kalauna’y naging mga salita.

A

Teoryang Yum-yum