Mga Uri at Bumubuo ng Lipunan Flashcards
Ano ang mga elemento ng lipunan? (4)
- Tao o Mamamayan
- Teritoryo
- Pamahalaan
- Soberanya
Ang ____ ay ang pinakamahalagang elemento ng lipunan na naninirahan sa isang tiyak na teritoryo o lupang sakop ng lipunan.
Tao o Mamamayan
Ang ____ ay ang lawak na nasasakupan ng lipunan at tinitirhan ng mga tao.
Teritoryo
Ang ____ ay ang ahensiya na nagpatupad ng mga batas at mga kautusan at nagpapahayag sa kalooban ng lipunan.
Pamahalaan
Ang ____ ay ang pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o mag-utos ng kagustuhan nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga batas.
Soberanya
Ang ____ ay tumutukoy sa mga tiyak na bagay na nararamdaman o nakikita sa loob ng isang lipunan tulad ng institusyon, social groups, social status, at gampanin (social roles o roles).
Istrukturang Panlipunan
Ano ang mga elemento ng istrukturang panlipunan? (4)
- Institusyon
- Status
- Social Group
- Gampanin
Ang ___ ay tumutukoy sa isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
Institusyon
____ ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan.
Status
____ ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
Social Group
____ ay tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng isang indibidwal.
Gampanin
Ano ang mga iba’t ibang kategorya ng institusyon? (5)
- Pamilya - unang humuhubog ng ating mga pagkatao.
- Paaralan - humuhubog sa isang tao upang maging kapakipakinabang na mamamayan.
- Relihiyon - pananampalataya; panalangin.
- Ekonomiya - pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
- Pamahalaan - nagbibigay ng serbisyong panlipunan; nagpapatupad ng batas.
Ano ang dalawang uri ng social group? (2)
- Primary Group - malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal.
- Secondary Group - binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.
Ano ang dalawang uri ng status? (2)
- Ascribed Status - nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay ipinanganak; hindi ito kontrolado ng isang indibidwal.
- Achieved Status - nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap; maaaring magbago ang status ng isang indibidwal.
Ang ___ ay tumutukoy sa isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan (Andersen at Taylor, 2007).
Kultura