Komponent ng Kultura Flashcards
Ano ang dalawang komponent ng kultura? (2)
- Materyal
- Di-Materyal
Ang ___ na kultura ay mga bagay na nililikha at ginagamit ng tao. Ito ang mga materyal na objek na nagawa at ginagamit ng tao mula sa pinakapayak tulad ng mga kasangkapan, muwebles , at pananamit hanggang sa malalaking bagay tulad ng arkitektural na disenyo, mga kotse, makina, at iba
pa.
Materyal
Ano ang mga halimbawa ng di-materyal na kultura? (8)
- Norms
- Folkways
- Mores
- Batas
- Valyu
- Paniniwala
- Wika
- Technicways
Ang ____ ay tumutukoy sa pag-uugaling karaniwan at pamantayan. Isang halimbawa nito ay ang smoking is not permited, kung saan ito ay para sa mga naninigarilya sa mga pampasaherong sasakyan.
Maaari rin itong ideyang nasa isip ng bawat miyembro ng isang grupo na siyang nagsasabi sa kung ano ang dapat at inaasahang gawin sa isang sitwasyon. Halimbawa nito ay ang hindi pag-iingay kung may natutulog lalo na kung siya ay bisita o kaya’y hindi mo kakilala.
Norms
Ang mga ____ ay mga kaugaliang nakikita sa isang sitwasyon na tinitingnan ang magandang kapakanan ng isang pangkat. Mga halimbawa nito ay ang pag-aayos ng lugar lalo ng hapag-kainan, pagtanggap nang mahusay sa mga bisita, pagdaramit nang maayos kung may pupuntahan, pagsisimba, at pagsama-sama ng pamilya tuwing linggo.
Folkways
Tama o Mali
Kung ang kultura raw ay sementong nagbubuklod sa mga tao sa lipunan, ang beheybyur ng mga tao ang pangunahing sangkap/sahog sa semento.
Tama
Ang ___ ay tumutukoy sa pamantayan ng kaasalang lubhang iginagalang at pinahahalagahan ng isang grupo. Mga halimbawa nito ay ang pagbabawal sa mga Muslim na kumain ng karneng baboy at ang ipinagbabawal sa ibang mga relihiyon na pagpapaputol ng buhok ng mga babae.
Mores
Ang ____ ay, para sa mga sosyolohista, ang batas ay pormal at karaniwang ginagawa at isinasabatas ng federal state o lokal na awtoridad. Halimbawa nito ay ang pagpatay , pagnanakaw, pagtawid sa daan nang hindi sumusunod sa batas-trapiko ay may kaparusahan.
Batas
Ang ____ ay inaasahang mabubuting pag-uugali o dapat gawin/ikilos o ipakita. Tumutukoy ito sa indibidwal na ideya ng kahalagahan at pangangailangan, at siyang magdidikta sa atin kung ano ang moral at imoral.
Valyu
Ang ____ ay, ayon sa mga sosyologo, persepsyon ito ng isang tao sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran at mundo. Kabilang na rito ang mga pamahiin.
Paniniwala
Ang ___ ay ang pangunahing ginagamit ng tao bilang instrumento sa kanyang pakikipag-ugnay sa lipunan at kultura.
Wika
Ang ____ ay ang pakikiangkop ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng teknolohiya. Halimbawa nito ay ang paggamit ng mga bagong kagamitan at pagsunod sa modernong kultura o global na pagbabago. Ito ay kumakatawan ito sa klase ng pagbabago ng kultura at halos kabaligtaran na ng folkways at norms.
Technicways