Iba't Ibang Pagtingin ng Tao sa Sariling Kultura at sa Kultura ng Iba Flashcards
Ano ang mga paraan ng pagtingin ng ibang tao sa sariling kultura at sa kultura ng iba? (4)
- Noble Savage
- Ethnocentrism
- Cultural Relativity
- Xenocentrism
Ang ____ ay tumutukoy sa larang kung saan ang isang tao ay tanggap niya kung ano siya. Hindi niya ikinahihiya kung ano siya. Halimbawa, tanggap na tanggap ko na ako ay isang Meranao at hindi ko ito ikakahiya.
Noble Savage
Ang ____ ay ang paniniwala ng iba na ang kanilang kultura ay tama at nakakahigit sa ibang kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya hindi dapat gayahin ng iba.
Ethnocentrism
Ang ____ ay tumutukoy ito sa pagunawa sa ibang kultura. Dito, tinitignan ang lahat ng kultura bilang pantay-pantay, walang superior at imperyor. Kabaliktaran ito ng Etnocentrism.
Cultural Relativity
Ang ____ ay tumutukoy sa kung saan ang mga banyagang tao, lugar, at bagay ay magaganda habang ang lokal o sariling kanya ay pangit. Pagmamahal ito sa imported na bagay.
Xenocentrism
Ano ang mga kultural na katangian ng ibang mga tao? (2)
- Polychronic
- Monochronic
Ang ____ ay tumutukoy sa larang na sa ibang kultura, may mga taong gumagawa ng isang bagay o gawain nang sabay-sabay.
Polychronic
Ang ___ ay tumutukoy sa larang na kung saan ang mga tao ay paisa-isa kung gumawa ng kanilang trabaho. Naniniwala sila na bawat trabaho ay may oras.
Monochronic