Kahulugan at Katangian ng Kultura Flashcards
Ang salitang kultura ay may katumbas na salitang ____ na may salitang ugat na ____ at ____. Ang katumbas na salita ng kultura ay siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali, at gawain ng tao (Timbreza, 2008)
kalinangan; linang (cultivate); linangin (to develop, to cultivate)
Ang ____ ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasang nagtatakda ng angking kakayahan ng isang kalipunan ng tao, аng wikang hindi lamang daluyan Kundi higit pa rito ay tagapagpahayag at impukankuhanan ng alinmang kultura (Salazar nasa Constantino, 1996).
Kultura
Tama o Mali
Walang kulturang hindi dala ng isang wika bilang saligan at kaluluwa na siyang bumubuo, humuhubog, at nagbibigay-diwa sa kulturang ito.
Tama
Sang-ayon kay _____, ama ng antropolohiya, ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining, moral/valyu, kaugalian ng to bilang miyembro ng isang lipunan. Hindi lamang sining at musika ang kultura ayon sa
paniniwala ng iba ngunit ito ay naglalaman ng mga valyu at alituntunin sa lugar na tinitirhan ng ating mga ideya na mabubuti o masasama, ng ating wika, relihiyon, at iba pa. Sa madaling salita, ang kultura ay matututuhan ng tao bilang miyembro ng isang lipunan. Ito ay tumutukoy sa lahat na natutuhan ng
isang indibidwal sa lipunang kinabibilangan.
Edward Burnett Tylor
Ayon kay ____, ang kultura ay isang organisasyong penomena na sumasaklaw sa aksyon (paraan ng pag-uugali) bagay (kagamitan) at iba pang mga kasangkapan, ideya (paniniwala at kaalaman),at sentiment (karakter/ kilos at valyu).
Leslie A. White
Ang ___ ay lahat ng natututuhang beheybyur at resulta kung papaano pinahahalagahan ng tao ang mga natutuhan niya na tinatawag na cognitions.
Kultura
Ang ____ ay tumutukoy sa pagkaalam sa lahat ng bagay na nagbibigay-patnubay sa tao sa pagkilala niya sa kapaligiran at sa ibang tao.
Cognitions
Ayon kay ____, ang kultura ay ginagamit para sa maayos na paraan ng may kapangyarihan at mga makapangyarihang tao, dahil ang mga taong may kaalaman sa kasaysayan, literatura, at sa sining ang siya lamang may kultura ayon sa unang paniniwala. Ang paniniwalang ito ay binatikos ng ilang mga antropolohista.
Donna M. Gollnick, et al. (2009)
Ayon kay ____, ang kultura ay socially-achieved knowledge. Nakukuha ang kultura sa mga kasamahan na nasa paligid lamang. Mula sa pagkabata, may mga kulturang nakuha mula sa mga magulang, kapatid, mga kalaro o mga kapitbahay. Paglaki ng isang tao, may may kulturang natutunan niya mula sa kanyang kagrupo, mga kaeskwela, kasamahan sa opisina mga barkada, at mga kaibigan.
Hudson (1980)
Ayon kay ____, ang kultura ay patterns of behavior (way of life) and patterns for behavior (designed for that life). May kulturang ginagawa o sinusunod dahil yon ang kinasanayan o kinagisnan ng isang grupo o pangkat. Maaaring mga kaugalian o ikinikilos ng mga grupo ng tao na ginagawa o pinaniniwalaan nila dahil sa yon lamang ang dapat sa grupo nila.
Ward Goodenough (2016)
Ayon kay ____, ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga natutunang huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang lahi o mga tao. Ang lahat ng nakuhang gawain, mabuti o masama mang pag-uugali mula sa kinagisnan ay kultura. Ang paraan ng
pamumuhay na kultura rin ay maaaring magbabago depende sa panahon ng isang lahi.
Timbreza (2008)
Ano ang mga katangian ng kultura? (4)
- Natutunan (Learned)
- Ibinabahagi (Shared)
- Naaadap (Adapted)
- Dinamiko (Dynamic)
Ito ay tumutukoy sa katangian ng kultura kung saan ay ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano siya inaalagaan, pinakakain, pinaliliguan, dinadamitan, atbp. ay isang proseso ng kulturang natutuhang nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan niya. Ang prosesong ito ay magpapatuloy sa buong buhay sa pakikihalubilo ng tao sa kultura ng kanyang pamilya at sa ibang kultura.
Natutunan (Learned)
Ano ang dalawang proseso ng pag-inter-ak o pakikihalubilo ng tao sa isang lipunan? (2)
- Enculturation
- Socialization
Ang _____ ay isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon. Karaniwan ding mas magaling pa siya sa wika, gawi, paniniwala at kaalaman ng kulturang napasukan niya kaysa dati nang miyembro ng nasabing kultura.
Enculturation