Lesson 8-9: Ang Piyudalismo, Manoryalismo, at ang mga Bayan at Lunsod. Flashcards
Sistema ng pagbibigay ng lupa sa mga tapat na tauhan o kamag-anak ng isang mataas na pinuno, kabilang na ang hari.
Piyudalismo
Siya ang taong nagbibigay ng lupa sa sistemang piyudal.
Panginoong may-ari ng lupa
Lupang ipinagkaloob sa basalyo ng panginoong may lupa.
fief
Taong tumanggap ng fief at naglingkod sa panginoon.
basalyo
Panunumpa ng katapatan ng basalyo sa kanyang panginoon, kasama ang kahandaan sa pakikipaglaban.
homage
Lupaing pagmamay-ari ng mga panginoon, kung saan sila may kalayaang mamuno.
Estadong Basalyo
Sistema ng pamumuhay sa manor, tahanan o estruktura ng isang mayamang maharlika.
Manoryalismo
Ano ang mga pangunahing hanapbuhay sa bayan noong Panahong Medyibal?
Agrikultura, paggawa ng mga produkto tulad ng katad at paghahabi.
Ano ang katangian ng mga bayan noong Panahong Medyibal?
May maliit na teritoryo, madalas sa mga probinsya, at nakatuon sa agrikultura.
Saan matatagpuan ang mga bayan noong medyibal na panahon?
Karaniwang sa mga malalayong lugar, kung saan nakuha ang pangunahing likas na yaman.
Ano ang katangian ng isang lunsod sa Panahong Medyibal?
Mas malawak na teritoryo, mas malaking populasyon, at mas maraming trabaho.
Ano ang mga pangunahing layunin ng isang lungsod sa medyibal na panahon?
Sentro ng pamahalaan, may mga gusali para sa mga pinuno, at tirahan ng obispo at mga lokal na kaparian.
Organisasyon ng mga mangangalakal at artisan sa lungsod na nagpapalago sa ekonomiya nito.
Sistemang Gremyo
Sino ang mga Burgesya sa Panahong Medyibal?
Mamamayan na may mataas na kita mula sa kalakalan at gremyo, bahagi ng middle class.
Ano ang ibig sabihin ng “Burgesya”?
Salitang Pranses na nangangahulugang mamamayan ng isang bayan o lungsod.
Paano nakatulong ang mga Burgesya sa lipunan?
Pinamahalaan nila ang kalakalan, mga serbisyong pang-ekonomiya, at hindi na nagbayad ng buwis.
Isang salot na nagdala ng bubonic plague sa Europa noong 1347.
Black Death
Ano ang pinagmulan ng Black Death?
Dumating ito mula sa mga barkong nagmula sa Dagat Itim na dumaan sa lungsod ng Messina, Sicily.
Ano ang sanhi ng pangalan ng Black Death?
Ang mga apektadong tao ay nagkaroon ng mga sugat sa katawan na naging sanhi ng pangingitim ng kanilang balat.
Ilang tao ang tinatayang namatay mula sa Black Death?
Tinatayang 20 hanggang 30 milyong tao sa loob ng limang taon.