Lesson 5: Kabihasnan sa Pasipiko Flashcards
Ano ang kahulugan ng “Polynesia”?
Hango sa salitang Griyego na nangangahulugang “maraming isla.”
Ano ang hugis ng teritoryo ng Polynesia sa mapa?
Malatatsulok na hugis.
Aling mga isla ang kabilang sa teritoryo ng Polynesia?
Isla ng Hawaii (hilaga), Samoa (kanluran), Easter Island (silangan), New Zealand (timog), at iba pa.
Ano ang ibig sabihin ng “Melanesia”?
Hango sa salitang Griyego na nangangahulugang “madilim na isla.”
Bakit tinawag na “Melanesia” ang rehiyong ito?
Ipinangalan ng mga Europeyong manlalayag batay sa kulay ng balat ng mga katutubo rito.
Anong mga isla ang kabilang sa Melanesia?
New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu, New Caledonia, at Fiji.
Ano ang ibig sabihin ng “Micronesia”?
Hango sa salitang Griyego na nangangahulugang “maliit na isla.”
Ilang isla ang saklaw ng Micronesia?
Humigit-kumulang 2,100 na isla.
Aling mga estado ang bahagi ng Micronesia?
Federated States of Micronesia, Palau, Kiribati, Marshall Islands, at Nauru.
Anong mga teritoryo ng Estados Unidos ang bahagi ng Micronesia?
Guam, Northern Marianas, at Wake Island.