Lesson 3-4: Kabihasnan sa Aprika at Amerika Flashcards
Saan matatagpuan ang kabihasnang Anasazi?
Arizona, New Mexico, Colorado, at Utah.
Ano ang tirahan ng mga Anasazi?
Bahay na yari sa bato.
Ano ang kabuhayan ng mga Anasazi?
Pagtatanim.
Bakit lumisan ang mga Anasazi?
Dahil sa tagtuyot.
Ano ang tawag sa Eskimo sa Estados Unidos?
Eskimo
Ano ang tawag sa Eskimo sa Canada?
Inuit.
Anong paniniwala ang sinusunod ng mga Eskimo?
Shamanism.
Sino ang namumuno sa mga Aztec?
Emperador na inihalal ng kaparian at mandirigma.
Ilan ang populasyon ng kabihasnang Aztec?
Isang milyon.
Ano ang kabuhayan ng mga Aztec?
Pagsasaka.
Anong marahas na ritwal ang ginagawa ng mga Aztec?
Pag-aalay ng tao.
Ano ang kabuhayan ng mga Chavin?
Pangangaso, pangingisda, at pagtatanim.
Saan nagmumula ang irigasyon ng mga Chavin?
Sa ilog at lawa.
Anong disenyo ang kilala sa mga artisanong Chavin?
Jaguar at eagle.
Bakit lumamlam ang kabihasnang Chavin?
Dahil malayo, nawalan ng gana ang ibang dayuhan na makipagkalakalan.
Ano ang pangunahing kabuhayan ng kabihasnang Mali?
Pagmimina ng ginto at pakikipagkalakalan.
Sino ang pinuno ng Mali na nawala sa paglalakbay?
Abu Bakari II.
Sino ang pumalit kay Abu Bakari II?
Mansa Musa.
Ano ang ginawa ni Mansa Musa sa kanyang paglalakbay sa Mecca?
Namigay ng ginto sa mahihirap.
Ano ang itinayo ni Mansa Musa?
Mosque
Paano hinati ni Mansa Musa ang nasasakupan ng Mali?
Sa mga lalawigan na pinamunuan ng gobernador.
Paano nagsimula ang Songhai?
Mga nag-alsa sa imperyong Mali.
Sino ang nagtatag ng imperyong Songhai?
Sunni Ali
Sino ang pumalit kay Sunni Ali?
Askia Mohammad I.