Lesson 6-7: Ang Simbahang Katolika sa Panahong Medyibal at ang Banal na Imperyong Romano Flashcards
Ano ang tawag sa lugar na pinamumunuan ng isang obispo sa isang diyosesis?
See
Sino ang pinuno ng mga Kristiyano sa isang diyosesis?
Obispo
Ilan ang pangunahing “see” sa unang mga taon ng Kristiyanismo?
Lima
Ano ang mga pangunahing see sa unang mga taon ng Kristiyanismo?
Roma, Constantinople, Jerusalem, Antioch, at Alexandria
Ano ang kinikilala bilang pangunahing see ng lahat ng Kristiyano?
Roma
Ano ang tawag sa pinakamataas na obispo sa lahat?
Obispo ng Roma
Ano ang ibig sabihin ng titulong “pappas” sa Griyego?
Ama
Ano ang naging titulo ng obispo ng Roma pagkatapos ng pagtanggap ng titulong “pappas”?
Pope o Santo Papa
Ano ang tawag sa pinakamataas na posisyon sa hierarchy ng Simbahang Katolika?
Santo Papa
Ano ang mga posisyon sa hierarchy ng Simbahang Katolika mula sa pinakamataas pababa?
Santo Papa, Cardinal, Arsobispo at Obispo, Pari, Orden Monatiska
Ano ang kahulugan ng titulong “Santo Papa”?
Pinakamataas na obispo, tinuturing na ama ng lahat ng Kristiyano sa mundo