LESSON 4 Flashcards
Ang Panitikang Filipino sa Panahon ng Kastila
Anong pangyayari ang nagbigay-daan sa pagbabagong-anyo ng mga paksa sa panitikan ng Pilipinas?
Pagdating ng mga Kastila
Anong relihiyon ang dinala ng mga Kastila sa Pilipinas?
Katolisismo
Ano ang naging pangunahing paksa ng panitikan sa panahon ng mga Kastila?
Kagandahang-asal at pananampalataya
Anu-anong aspeto ng buhay Pilipino ang nakaranas ng pagbabago dahil sa pananakop ng mga Kastila?
- Relihiyon
- Kultura
- Panitikan
Anong uri ng paniniwala ang pinapalitan ng Katolisismo?
Paganismo
Bukod sa pagsasalamin ng pang-araw-araw na pamumuhay, ano pa ang naging tungkulin ng panitikan?
Sandata ng pakikipaglaban
Ano ang isa sa mga pangunahing layunin ng mga akdang naisulat sa panahon ng mga Kastila?
Pagpapalinang ng moralidad
Ano ang tawag sa proseso ng pagpapalit ng sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino sa mga letra o titik?
Romanisasyon sa Baybayin
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Filipino
- Romanisasyon sa Baybayin
- Tamang tuntunin sa gramatika
- Masiglang pagsusulat ng panitikan
- Nabigyan ng oryentasyon ang mga Pilipino sa mga kabutihang asal
- Pagtitipon at pagbubuo ng dating panitikan mula sa pasalindila at pasalinsulat (dahon o bumbong o balat-kahoy)
- Pagpapakilala ng mga Alamat sa Europa na siyang inaring sarili ng mga Pilipino (Bernardo del Carpio at Mariang Alimango)
- Maraming salita sa wikang Espanyol ang hiniram
- Ang impluwensya ng Kastila at Europeo sa kaugalian at paraan ng pamumuhay at tinanggao ng mga Pilipino
- Ito ang kauna-unahang aklat ng panrelihiyon na nalimbag sa Pilipinas
- Ang mga sumulat ay sina Padre Juan de Plasencia at Padre Domingo de Nieva
Doctrina Cristiana (1593)
Sino ang sumulat sa Doctrina Cristiana?
A. Mariano Pilapil at Pedro Suarez Osorio
B. Tomas Pinpin at Fernando Bagonbata
C. Padre Juan de Plasencia at Domindo de Nieva
D. Pari Mariano Pilapil at Blancas de San Jose
C. Padre Juan de Plasencia at Domindo de Nieva
Ano ang mga paksa sa Doctrina Cristiana?
- Pater Noster
- Ave Maria
- Credo
- Regina Coeli
- Sampung (10) Utos ng Diyos
- Mga Utos ng Santa Iglesia
- Pitong (7) Kasalanang Mortal
- Labing-apat (14) na pagkakawanggawa
- Pangungumpisal
- Katesismo
Ano ang mga Utos ng Santa Iglesia?
- Makinnig ng misa, huwag liliban lalo na kung Domingo o pistang pangingilin.
- Magkumpisal at magkomunyon minsan man lang sa isang taon at kung may hirap na ikamamatay
- Magpakasalayon sa batas na itinakda ng Sta. Iglesia
- Mag-ayunar kung ipinag-uutos ng Santa Iglesya
- Mag-abuloy sa Santa Iglesya ayon sa kakayahan.
ANG PITONG SAKRAMENTO
- Baptismo o Pagbibinyag
- Confirmar o Pagkukumpirma
- Confesar o Pangungumpisal
- Comulgar o Pagtanggap ng Komunyon.
- Extema Uncion o Pagpapahid ng Langis
- Order ng Sacerdote o Banal na Pagpapari
- Pagpapakasal
LABING-APAT NA PAGKAKAWANGGAWA
- Dalawin ang mahirap.
- Painumin ang nauuhaw.
- Pakainin ang nagugutom.
- Damitan ang walang damit.
- Tubusin ang nabihag.
- Patuluyin ang walang tuluyan.
- Ibaon ang namatay.
- Aralan ang di-nakakaalam.
- Aralan ang di-napapaaral.
10.Ang taong may sala ay pagdilatain. - Iwalang-bahala sa loo bang kasalanan ng nagkasala sa iyo.
- Huwag ipapaalam sa loo bang pagmumura ng tao.
- Aliwin ang nalulumbay.
- Ipanalangin sa Diyos ang nabubuhay at nangamatay na Kristiyano