1st Quiz Flashcards
- Ayon kay Webster, ang panitikan ay anumang bagay na isinulat na may kaugnayan sa pag-iisip ng tao. Ano ang nais ipagpapakahulugan ni Webster dito?
a. Ang panitikan ay may matining pokus ng manunulat sa ibang tao.
b. Ang panitikan ay sadyang lumalabas sa bibig ng tao at tanging impukan ng karunungang-bayan.
c. Ang panitikan ay pangyayari na naglaladlad ng pinagmulan ng isang tao.
d. Ang panitikan ay bunga ng imahinasyon ng tao na pumapaloob sa iba’t ibang saloobin hinggil sa bagay-bagay.
D. Ang panitikan ay bunga ng imahinasyon ng tao na pumapaloob sa iba’t ibang saloobin hinggil sa bagay-bagay.
- Ayon kay Arrogante, ang panitikan ay isang talaan ng buhay. Ano ang nais sabihin ni Arrogante dito?
a. Ang panitikan ay nagbubunyag ng mga bagay na may kaugnayan sa buhay ng tao.
b. Ang panitikan ay nagkukubli ng katotohanan sa lipunan.
c. Ang panitikan ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga panunuligsang angkop na mapansin ng masa.
d. Ang panitikan ay tala ng mga pangyayari sa kasalukuyan.
A. Ang panitikan ay nagbubunyag ng mga bagay na may kaugnayan sa buhay ng tao.
Ang akda ng isang manunulat ay sumasalamin sa estado ng kanyang kapaligiran. Anong tagahubog ng panitikan ang tinutukoy dito?
a. Lugar na tinitirhan
b. Edukasyon at Pananampalataya
c. Kultura at Kaugalian
d. Politika
A. Lugar na tinitirhan
- Ito ay paraan ng pagbabahagi ng panitikan na mula sa dila at bibig ng tao.
a. Pasalinsulat
b. Masining na Pagpapahayag
c. Pasalindila
d. Pasalintroniko
C. Pasalindila
- Isang paraan ng pagbabahagi ng panitikan na isinatitik o iginuhit ng mga Pilipino gamit ang sinaunang sistema ng pagsusulat o ang alpabeto na natutunan sa bawat kapanahunan.
a. Pasalintroniko
b. Pasalinsulat
c. Pasalindila
d. A at B
B. Pasalinsulat
- Anong anyo ng panitikan na walang natatanging ritmo at kahalintulad ng pang-araw-araw na komunikasyon?
a. Prosa
b. Tuwiran
c. Pagsusulat
d. Panulaan o Tula
A. Prosa
- Ipinapakita ng manunulat ang pagiging malaya sa paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo o estilo.
a. Prosa
b. Panulaan
c. Akdang pampanitikan
d. Dula
B. Panulaan
- Kung ang panulaan ay nagtataglay ng masining na pagpapahayag gamit ang tayutay, ang tuluyan ay nagtataglay:
a. Pangunahing estruktura ng gramatika at may tiyak na paglalahad
b. Mga akdang nakabatay sa totoong pangyayari lamang
c. Anumang nakasulat na may sukat at tugma sa bawat taludtod
d. Pangungusap na binibilang ang pantig at pinagtugma-tugma
A. Pangunahing estruktura ng gramatika at may tiyak na paglalahad
- Sino ang nagwika na “Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuoan ng tamang kariktan na makikita sa silong ng alinmang dagat.”?
a. Julian Cruz Balmaceda
b. Inigo Ed Regalado
c. Francisco Baltazar
d. Jose Corazon De Jesus
B. Inigo Ed Regalado
Ang akdang nobela ay isang halimbawa ng:
a. Piksiyon
b. Di-piksiyon
c. Tula
d. Aklat panggramatika
A. Piksiyon
Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay:
a. Nobela
b. Anekdota
c. Alamat
d. Talambuhay
C. Alamat
Isang uri ng panitikan na may mahabang kuwento piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata:
a. Dula
b. Sanaysay
c. Nobela
d. Pabula
C. Nobela
- Isang uri ng nobela na nakatuon sa pag-iibigan at mababasa ang wagas, dalisay at tapat na pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan:
a. Nobelang Pagbabago
b. Nobelang Makabanghay
c. Nobelang Kasaysayan
d. Nobelang Romansa
D. Nobelang Romansa
Isang uri ng panitikan na kung saan ang mga tauhan ay mga hayop:
a. Parabula
b. Pabula
c. Anekdota
d. Maikling Kuwento
B. Pabula
Ang parabula ay buhat sa salitang Griego na “parabole” na isang matandang salita na nangangahulugang pagtatabiin ang dalawang bagay upang pagtularin.
a. Mali
b. Tama
c. Tama at Mali
d. Wala sa lahat
B. Tama